Diaz buhos training lang sa Malaysia
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
WALA pa sa isipan ni national weightlifting star Hidilyn Diaz ang pag uwi sa Pilipinas.
Mas pokus siya na makapag- training upang paghandaan ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.
Inabot na ng anim na buwang stranded ang 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa coronavirus disease.
“Saka na lang muna iyong pag-uwi, importante kasi diyan ‘yung safety talaga,” bulalas ng sundalong national athlete soldier ng Philippine Air Force (PAF).
Pokus lang sa ensayo ang 29- anyos may taas na 4-11 at tubong Zamboanga City dahil determinadong sungkitin ang unang gold medal ng mga Pinoy sa 97 na taon sa quadrennial sportsfest.
“Continue pa rin ‘yung training, nandoon pa rin iyong desire kong i-represent ang country natin sa Olympics, nandoon pa rin iyong motivation ko,” panapos na wika ng weightlifter.
Isang Olympic qualifying tournament na lang ang kailangan salihan ni Diaz para opisyal na makakopo ng Tokyo Olympics slot. (REC)
-
PBBM, Biden posibleng magkita at muling magpulong sa Abril– envoy
POSIBLENG muling magkita sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang US counterpart na si Joe Biden kapag nagtugma na available ang kani-kanilang iskedyul. Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez, inaayos na ang paghahanda para sa posibleng muling pagkikita at pagpupulong ng dalawang lider, pansamantalang itinakda sa […]
-
Pabilisin ang national ID system, mandato ni PDu30
MANDATO talaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pabilisin ang national ID system sa bansa. Nais kasi ng Pangulo na tuluyan nang mawala ang panloloko at pandaraya ng ilang tiwaling opisyal makapagbulsa lamang ng pera mula sa kaban ng bayan. “Dahil nakita natin na iyong pagdi-distribute ng ayuda ay hindi sana na-delay kung […]
-
Lydia de Vega bibigyang ng especial na lugar sa itatayong POC museum
MAGKAKAROON ng kakaibang puwesto sa ipapatayong Philippine Olympic Committee Museum sa New Clark City sa Capaz, Tarlac ang namayapang sprint queen ng bansa na si Lydia de Vega. Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na plano nilang maglagay ng lugar sa nasabing museum kung saan makikita ang mga tagumpay ni de Vega. […]