Diaz gusto pang sumabak sa Vietnam SEA Games
- Published on May 7, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi pa ang Tokyo Olympics ang huling hirit ni Hidilyn Diaz dahil nangako itong sasabak pa sa 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam sa Nobyembre.
Orihinal sanang magreretiro ang RIo Olympics silver medalist pagkatapos ng Tokyo Olympics kung natuloy ito noong nakaraang taon.
Subalit dahil naurong ang Tokyo Olympics sa Hulyo ngayong taon, nagdesisyon si Diaz na tapusin na ang 2021 season bago tulu-yang magretiro.
“After Tokyo Olympics, talagang balak ko na mag-retire kung natuloy sana last year. ‘Yun na ang last tournament ko,” ani Diaz.
Ipinaliwanag ni Diaz na ang time frame ang naging dahilan niya para ituloy na ang huling laban sa Vietnam SEA Games.
“Pero dahil halos magkasunod na rin naman ‘yung Tokyo Olympics and SEA Games, itutuloy ko na para tuluy-tuloy ‘yung momentum kasi nandun na. Hindi tulad kung noong 2020 ‘yung Tokyo Olympics medyo malayo sa 2021 Vietnam SEA Games,” ani Diaz.
Ipagtatanggol ni Diaz ang korona nito sa wo-men’s 55-kg division sa SEA Games na idaraos sa Nobyembre sa Hanoi, Vietnam.
Ngunit bago ang SEA Games, nakasentro muna ang atensiyon ni Diaz sa Tokyo Olympics kung saan isa ito sa inaasahang mag-uuwi ng medalya para sa Pilipinas.
-
Magkasama sa advocacy series na ‘West Philippine Sea’: ALJUR at AJ, nagbahagi ng kanilang karanasan tungkol sa ‘bullying’
PURSIGIDO talaga ang advocacy producer na si Dr. Michael Raymond Aragon, na chairman ng Kapisanan ng Mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas Inc. (KSMBPI) sa pagsusulong ng kanyang action-advocacy series na “West Philippine Sea” na nakatakdang mapanood sa mga streaming platforms, tulad ng free TV, cable and satelite TV, simula ngayong November. Kuwento […]
-
Dalaga arestado sa motornapping sa Navotas
Kalaboso ang isang 23-anyos na bebot matapos i-reklamo ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Navotas city, kahapon ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Law) ang suspek na kinilalang si Karen Cruz, bar employee at residente ng No. 39-A Santiago St., Brgy. Sipac-Almacen. Sa inisyal na imbestigasyon […]
-
Sen. Pacquiao, bagong pangulo ng PDP-Laban party
Pormal ng nanumpa bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao. Sinabi ni PDP-Laban executive Director Ronwald Munsayac, napili rin si House Speaker Lord Allan Velasco bilang bagong executive vice president ng partido. Si Pacquiao aniya ay naging “acting national president” na bago pa pormal na italaga […]