Diaz kumpiyansa sa Olympic gold medal
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
MALAKI ang paniniwala ni Hidilyn Diaz na mananalo na siya ng gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na iniurong lang ng July 23-August 8, 2021 sa Tokyo, Japan dahil sa pandemya.
Ito’y makalipas na madale ng 29 na taong-gulang,may taas na 4-11 at tubong Zamboanga City ang silver sa Rio de Janeiro, Brazil sa ikatlo niyang sunod na quadrennial sportsfest. Nag-2008 Beijing at 2012 London din ang dalagang atleta na isang sundalo rin.
Stranded sa Malaysia ang Pinay lifter at kanyang team sapul pa noong Marso hanggang ngayon nang maipit doon ng lockdown dahil sa Covid-19. Pero opitimistiko siyang bahagi ang paghihirap na pinagdaraanan sa Muslim country para magtagumpay sa nalalapit na Tokyo Games.
“I’m still continuing this journey towards the Olympics because I believe that I can win. I believe that God has a plan for me that I believe that I will win at the Olympic Games for the Philippines,” bulalas ng Chavacana hoister sa panayam ng Olympic Channel.
Sumalang siya sa unang dalawang Olympics sa 58-kilogram event. Lumanding si Diaz na 10th place sa Beijing, bago dna-isqualified ang clean and jerk niya sa London, nadulas at na-injured siya.
Isa pa iniisip na rin niya ang Tokyo Games na rin ang huli niyang pagbuhat ng barbel.
“I hope so. Because I need life after sports. I don’t know what my body will say… ‘Oh, you need to rest. Your body cannot do it anymore’. As you age, you lose your ability for heavy lifting,” panapos na litanya ni Diaz sa International Olympic Committee (IOC) television service na ilang ulit na siyang tinampok bago ito.
Walang gold ang ‘Pinas sapul nang unang lumahok noon pa simula sa 1924 Paris Olympics. (REC)
-
Ayuda sa LGUs tiniyak ‘pag nag-lockdown sa Omicron
Magpapadala ng ayuda sa mga local government unit (LGU) na magla-lockdown ‘pag pumasok na ang Omicron variant sa bansa. Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, naghahanda na rin ang kanilang grupo sa pagdating ng nasabing COVID-19 variant. “Alam po namin na said na ang mga LGU sa ayuda para sa kanilang […]
-
Nilinaw na walang naging problema sa billing: BIANCA, na-starstruck kay NORA at blessing na makasama sa movie
SA Facebook, ibinahagi ng VIVA Films ang poster ng pelikulang ‘Mananambal’ (The Healer), na kung saan tampok ang National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor na nasa gitna ng banner. Nakasuot siya ng floral-patterned top, punum-puno ng emosyon ang kanyang mukha habang hawak na isang bote ng elixir at may […]
-
PDu30, muling ipinagtanggol si Sec. Duque sa mga kritiko nito
MULING ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa mga kritiko nito sabay sabing wala siyang nakikitang mali sa Kalihim. Kaya nga, nananatili ang kumpiyansa ng Pangulo kay Sec. Duque. Giit ng Pangulo, hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang inaaway si Sec. Duque at palabasing ito […]