• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, muling ipinagtanggol si Sec. Duque sa mga kritiko nito

MULING ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa mga kritiko nito sabay sabing wala siyang nakikitang mali sa Kalihim.

 

Kaya nga, nananatili ang kumpiyansa ng Pangulo kay Sec. Duque.

 

Giit ng Pangulo, hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang inaaway si Sec. Duque at palabasing ito ay madumi at lumabas naman na malinis ang mga umaaway dito.

 

Kaya ang payo ng Pangulo kay Sec. Duque ay huwag masiraan ng loob sa gitna ng patuloy na kritisismo na ibinabato sa health secretary.

 

Para sa Pangulo, ganoon lang talaga kapag nasa public office na kung saan ay talagang hahanapan ng isyung maaaring maibutas sa isang tinatarget na opisyal.

 

Aniya, sadyang ganyan ang mga kritiko na naghahanap ng topic na maaaring ikapit sa isang opisyal ng gobyerno at mabenta sa publiko gaya ng isyu sa korapsiyon.

 

“Dominguez takes care of the economy. Si Secretary Duque naman, eh palagi nilang inaaway pero tama naman. Pero ganoon siguro ‘yang public office, Secretary. Do not be — ma-ano ka sa — you get discouraged from the brickbats thrown against you.

 

Kaya nga eh sabi ko, all of you there have been painting Duque black because you appear — you want to appear white there. Iyan ang ano… If you want to appear white, then paint your opponent black and then you are always white. Ganoon ‘yan,” ayon sa Pangulo.

 

“So, kindly refrain from just smelling here and there just to find a worthwhile topic which to the people is very important lalo na kung corruption. Pagka sabi corruption, magsabi ng mga… Kasi ang tao it’s bombarded by issues about corruption. It’s not only with dito sa atin, sa inyo rin. Wala man exempted dito sa ano… So nobody is proud of sabihin mo you are an island there, an independent one. You cannot be because we are all part of government,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • ‘2 Asian females ang suicide bomber sa Jolo, Sulu’ – PNP

    Kinumpirma ngayon ng PNP na suicide bombers ang naging sanhi ng pagsabog sa Jolo, Sulu noong August 24 na ikinamatay ng 15 katao.   Ayon sa PNP, dawalang female Asians ang nagsagawa ng suicide bombing.   Pero inabi ni Police Lieutenant Colonel Kris Conrad Gutierrez, spokesperson ng special investigation task group na ang hindi naman […]

  • Comelec commissioner ipinapa-disqualify si Marcos

    IBINULGAR  agad ni Commissioner Rowena Guanzon ang kanyang boto para i-disqualify si dating Sen. Bongbong Marcos sa 2022 presidential elections kahit hindi pa binabasa ang pinal na hatol sa anak ng dating diktador — dahilan para hilingin ng isang partidong maparusahan ang nauna.     Huwebes kasi nang humarap sa GMA News si Guanzon para […]

  • Puring-puri naman siya ng veteran actor: DINGDONG, sobrang saya na muling makatrabaho si TIRSO

    IKINATUWA ni Dingdong Dantes makatrabaho ulit sa isang malaking teleserye ang award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III.     Unang nagkasama sina Dong at Kuya Pip sa 2002 teleserye na ‘Sana ay Ikaw Na Nga’. Nagkasama sila ulit sa teleserye na ‘Endless Love’ noong 2010 at sa ‘I Heart U Pare’ in 2011. […]