• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utak pipigain sa 75th National Chess tilt

MASISILAYAN ang pinakamahuhusay na local chess maters sa eliminations ng 75th Philippine National Chess Championships (2nd leg) na gaganapin sa Marso 7, 8, 14 at 15 sa SM Olongapo City Central sa Olongapo City, Zambales.

 

Bukas ang nasabing torneo sa lahat ng Filipino chess players at miyembro ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

 

Ang Fide Standard rating tournament ay inorganisa ng NCFP sa pakikipagtulungan nina Olongapo City mayor Rolen C. Paulino Jr., Olongapo City Sports & Youth Development sa gabay ni OIC David B. Bayarong, SM Central Olongapo City at ng Olongapo City Elementary School.

 

“One Big Step for your dream of becoming a National Master and have a great chance of having a FIDE Standard Rating (increase your FIDE Standard). This will surely help you to attain your dream of becoming a FIDE Titled Player,” pahayag ni NCFP Assistant Executive Director/International Arbiter Reden “Red” Cruz.

 

“Another chance to qualify for the semi-final and keep the National Master dream alive. 2nd Leg is in SM Olongapo City Central guys sali na!” ani naman ni Fide National Arbiter Joel “Jev” Villanueva.

 

Mag call o text kina NCFP Assistant Executive Director International Arbiter Reden “Red” Cruz (0921-565-1406), Fide National Arbiter Joel “Jev” Villanueva (0950-906-0341) at NCFP Executive Director Atty. Cliburn Anthony Orbe (0918-897-4410) para sa dagdag detalye.

Other News
  • ELLEN, priority pa rin ang anak kahit nagbalik-sitcom na; first and only choice ni JOHN

    BILANG line-producer ng sitcom na John en Ellen for CIGNAL TV, pwedeng mamili si John Estrada kung sino ang gusto niyang partner.     First and only choice ni John si Ellen Adarna although worried baka hindi ito ready magbalik-acting.          “The role is really meant for her but I was afraid that […]

  • Ads July 6, 2022

  • Pakikiramay bumuhos dahil sa pagpanaw ni MMA rising star Victoria Lee sa edad 18

    Bumuhos ng pakikiramay sa mundo ng Mixed Martial Arts (MMA) matapos ang paglabas ng balitang pagpanaw ng baguhang figther na si Victoria Lee sa edad 18.   Ang nasabing balita ay kinumpirma ng nakakatandang kapatid nito na si Angela sa pamamagitan ng kaniyang social media.   Pumanaw umano ito noon pang Disyembre 26 subalit hindi […]