DICT, tinitingnan, pinag-aaralan ang partnership sa PPP, LGU para ipatupad ang nat’l broadband program
- Published on December 8, 2022
- by @peoplesbalita
TINITINGAN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang public-private partnerships (PPP) at koordinasyon sa local government units (LGUs) para mapabilis ang implementasyon ng National Broadband Program (NBP) ng gobyerno.
“We are exploring possibilities of PPPs with the private sector and also looking at partnering with the LGUs po in deploying some of this connectivity,” ayon kay DICT Secretary Ivan Uy sa Commission on Appointments committee hearing.
Sinabi nito na maaaring pondohan ng LGUs ang imprastraktura para sa NBP habang maaari namang makapagbigay ang DICT ng bandwidth.
“We can synergize our efforts especially with respect to expenses. For instance there are many LGUs especially, the rich cities that actually have budgets for connectivity, that have budgets for Wi-Fi and we can put up matching funds that the local government can invest in the hardware and we come in and provide bandwidth for the local government,” ayon sa Kalihim.
“Prioritizing connectivity in remote areas is also one of their strategies so they can maximize their small budget for NBP,” ayon kay Uy.
“With that very small budget, we have to spend it very prudently and very, very wisely. So what we are doing is we are investing actually in the areas that would have the most profound effect on the population and these are the GIDA areas — the geographically isolated and disadvantaged areas,” wika pa nito.
“Because for most of the urban areas, they can afford, the city governments…or the provincial governments can afford to provide those kinds of connectivity and so that will be a later priority. So yung mga mas nangangailangan at mas malaki po ang benepisyo don po namin inuuna,” dagdag na pahayag ni Uy. sabay sabing “So these are some of the strategic approaches that we are taking in order to maximize whatever very limited funds that we have in order to deliver digitalization.”
Binanggit ng DICT na kailangan nila ang P100 billion para makapagbigay ng internet connectivity sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Uy na nakapaglaan lamang sila ng P2.5 billion para sa 2023 bunsod ng “very low utilization and absorptive capacity of the previous DICT leadership.”
“That is going to change significantly po this year and under the new administration the budget that has been provided will definitely be not enough. We will be able to prove that the utilization rate would be much much more in the coming years,” ang pahayag ni Uy.
-
Overseas voting sa Shanghai, China on hold pa rin
ON HOLD pa rin ang Overseas voting sa Shanghai, China dahil pa rin sa mga lockdown na ipinaiiral ngayon doon. Sa kabila ito ng unti-unting pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan ay mas mababa na lamang sa 20,000 ang bilang ng ma naitatala sa araw-araw. Inamin ni […]
-
193,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, nasa Pinas na
Nasa Pilipinas na ang unang batch ng bakuna na Pfizer-Biontech mula sa donasyon ng World Health Organization (WHO) COVAX facility. Ang mga vaccines ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sakay ng DHL cargo plane bago mag-alas:8:00 ng gabi, May 11 Lunes. Kabilang naman sa ga sumalubong sa shipment ay […]
-
“I wish them the best”, ang ipinaabot ni Sec. Roque sa 1Sambayan nominees na sasabak sa 2022 elections
“I wish them the best.” Ito ang iniaabot ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga 1Sambayan nominees na sasabak sa 2022 elections. “Dalawa lang ang tumanggap, si Vice President Robredo at former Senator Trillanes. I wish them the best kaso mukhang mahirap talaga ang kausap ng 1Sambayan kasi karamihan ng na-nominate ay tumanggi,” […]