Didal malaki ang tsansang makasama sa Tokyo Olympics
- Published on July 30, 2020
- by @peoplesbalita
Kumpiyansa ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) na makakakuha si Pinay skateboarding sensation Margielyn Didal ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
“For more than a year pasok siya para sa Olympic slot,” sabi ni SRSAP president Carl Sambrano kay Didal, ang 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games gold medal winner.
Inilabas kamakalawa ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at Department of Health (DOH) ang Joint Administrative Order (JAO).
Ang JAO ang maglalatag ng guidelines para sa physical at sports activities sa gitna ng laban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
“We all recognize the importance sport plays in building one’s strong immune system, what we just wanted to ensure was that they keep safe and away from the virus while they are doing it,” ani PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Nanatili sa No. 14 si Didal, nanalo sa Asian Skateboarding Championships 2020 Online Skate Lockdown Video Competition, sa World Skate official ranking para sa women’s street event.
Ayon sa World Skate, ang top three performers mula sa World Championships ang makakalaro sa Tokyo Olympics at ang 16 skaters ay may tsansa sa pamamagitan ng global rankings.
Awtomatikong nabigyan ang Japan ng tiket sa quadrennial meet bilang host country.
Bukod kay Didal, magsasanay sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu, may tsansa rin si 2019 SEA Games gold medalist Kiko Francisco na makakopo ng Tokyo Games berth.
“Kiko Francisco has been in and out of the Top 20 but that being said may season 2 of Olympic Qualifier points that are still available,” dagdag ni Sambrano.
-
Konstruksyon ng PNR Clark Phase 1 project on track
Ang konstruksyon ng unang bahagi ng Philippine National Railways (PNR) Clark project ay tuloy-tuloy at halos ay 50 percent ng tapos. Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na may 45.82 percent ng kumpleto ang progress rate ng konstruksyon at ito ay inaasahang matatapos sa ikalawang quarter ng taong 2024 at […]
-
Pagdeklara ng holiday sa lungsod ng Maynila, kinokonsidera sa araw ng inagurasyon ni BBM – PNP
KINOKONSIDERA ng Philippine National Police (PNP) na magdeklara ng holiday sa lungsod ng Maynila sa araw ng inagurasyon ni President-Elect Bongbong Marcos Jr. Subalit nilinaw ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa panayam ng Sonshine Radio na wala pa talagang klaro na desisyon hinggil dito. “Isa rin po […]
-
Humihingi ng danyos sa halagang $30 million: Sean “Diddy” Combs, kinasuhan ng sexual assault ng dating empleyado
WALA pa raw lovelife ang Kapuso actress na si Analyn Barro dahil mas gusto raw niyang mag-concentrate sa kanyang career. Goal kasi ni Analyn na makapag-ipon para makapagpatayo ng sarili niyang bahay. “Dedma muna tayo sa mga nanliligaw. Career muna ang priority ko. Kailangan focus lang sa work para makapag-ipon tayo. […]