Didal tuloy ang ensayo
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
PATULOY sa puspusang pagti-training si skateboarding star Margielyn Didal para sa mga Olympic Qualifying Tournament (OQT) at mapasama sa naurong sa 2021 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.
Tinatiyaga ng Indonesia 2018 Asian Games women’s champion ang nadadaanang railings sa kanyang bayan sa Cebu upang maisagawa ang mahihirap na tricks habang hinihintay ang muling pagbabalik ng mga torneong napagpaliban sapul noong Marso dahil sa COVID-19.
“Frontside boardslide sa Cebu, proud Cebuana,” aniya kamakailan sa Instagram post (@margielyn didal) habang pinapanood ng dalawang bata sa pagpapadausdos ng skateboard sa isang kalsada.
Desidido aniya siyang makapag-Olympics sa debut ng nilalaro niya sa quadrennial sportfest.
Kumpiyansa sa kanyang tsansa ang Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SARSAPI) na mga tumutulong sa kanya. (REC)
-
Hindi matatawaran ang kontribusyon sa pelikulang Pilipino… Sen. BONG, pinarangalan si Mother LILy sa inihaing resolusyon
SA Facebook post ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., noong Martes, ilang araw ng pagpanaw ni Mother Lily Monteverde, mababasa ang kanyang bagong resolusyon. “Atin pong inihain ang Proposed Senate Resolution No. 1099 na nagbibigay-karangalan kay Lily Yu Chu-Monteverde o mas kilala natin bilang Mother Lily. “Sya ay tunay […]
-
Mga bagong talagang opisyales, nanumpa kay ES Bersamin
NANUMPA sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ilang mga bagong opisyal na naitalagang manilbihan sa administrasyong Marcos. Kasama sa mga nasabing bagong opisyal si retired Police General Gilbert D. Cruz na nanumpa bilang Undersecretary ng Presidential Anti – Organized Crime Commission (PAOCC). Si Cruz ay nanilbihan din dati sa […]
-
Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE
NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19. […]