DIETHER, naaksidente na nga pero nakuha pang laitin ng netizen
- Published on February 5, 2022
- by @peoplesbalita
NAAKSIDENTE ang aktor na si Diether Ocampo.
Seriously injured si Diet matapos bumangga ang kanyang SUV sa isang nakaparadang truck ng basura.
Ang malungkot, naaksidente na nga ang aktor pero may mga tao na nag-comment pa ng hindi maganda sa Twitter.
Post ng netizen sa kanyang twitter handle na @moonyeong10, “@Diether Ocampo is such a bad actor (may kasunod na anim na laugh emoji). Sorry sa fans niya. Parang si Kristine Hermosa din (cry emoji). Huwag ninyo ako awayin please.”
Moon yeong is a PBIP fan. Yeaj fan. Kim soohyun fan. Nomad. I don’t belong to any fandom.
Hindi ba nakahihiya naman ang kanyang post? Naaksidente na nga si Diether tapos nagagawa pa nilang mag-comment nang hindi maganda. Parang hindi siya iminulat ng magulang niya sa kagandang-asal.
Yan ang hirap sa ibang tao sa Twitter world o kahit sa ano pang social media. Masyadong feeling entitled. Nagko-comment nang hindi man lang naiisip na mayroon silang nasasaktan.
Kung sakaling si Moon Yeong ang nasangkot sa isang aksidente, she wouldn’t want people to comment something bad about her.
Hangad namin ang maagang paggaling ni Diether.
***
NGAYON na si former Senator Manny Villar ang nakakuha sa frequency that was previously assigned sa ABS-CBN, sino kaya ang mga personalities na magiging bahagi sa pagbubukas ng TV station ng mga Villar?
Kukuha kaya si Mr. Villar ng mga dating tauhan ng ABS-CBN or he will start from scratch by building his own network?
Dito na magkakaalaman pagdating sa loyalty. Kahit pa sabihin natin for 18 months muna tatakbo ang bagong network ng mga Villar, trabaho pa rin ito para mga tao.
Eighteen months lang kasi dapat after the said period ay naka-switch na ang channel from analog to digital.
Pero siyempre nakaabang ang publiko kung sino na ang mga tao na iha-hire ng mga Villar para magpatakbo ng kanilang network.
Running a network is a different ballgame from creating content.
You may have the frequency pero siyempre ang content ang mas titignan ng mga tao, lalo na that the Villars were given the frequency that was used before by ABS-CBN.
Malaking bagay para sa audience ang substance ng kanilang pinapanood. And this cannot be done overnight.
Kaya dapat the Villars can get the right people who can make their network truly competitive.
***
KAYA ba ng grupong Pasada Babes na makatulong para ang party list group na Pasada CC para manalo sa May 9 elections?
Inilunsad ngayong Chinese New Year ang Pasada babes, ang kauna-unahang all female Commuter dance crew ng Pilipinas. Sa pangunguna ni MC Shan Tey, pinahanga ng five member dance crew ang lahat nang mag hit ang kanilang first ever single, ang “Papa Pasada” sa online song channels.
Kakaiba ang Pasada Babes—sila ang kumakatha, kumakanta at gumagawa ng kani-kanilang mga dance routines. Nabuo ang grupo nitong nakaraaang taon matapos silang mag-usap usap na kailangang maiparating sa madla ang kinakaharap na pasakit ng mga commuters sa araw-araw.
“Lahat po kami magkakabarkada na performers na nawalan ng gig nang pampandemya. Hirap na hirap po kaming makasakay dahil sa kawalan ng masasakyang bus, lalo na provincial buses at jeepney.
“Naisipan po naming buuin ang Pasada babes para maiparating sa pamahalaan na dapat namang pakinggan kaming mga commuters para maibsan ang pahirap na nararanasan naming po sa araw-araw,” ayon kay MC Shantey, lead singer ng grupo.
Nakipagkaisa rin ang Pasada babes kay Dom Chad Hernandez, ang secretary general ng commuter group na Pasada CC upang maglunsad ng signature drive upang mas lalong malakas ang pagpaparating sa gobyerno ang mga hinaing at makipagtulungan sa pamahalaan para sa agarang solusyon.
Nabuo ang Pasada CC noon pang 2019 upang maisulong ang kapakanan ng mga commuters at transport workers.
(RICKY CALDERON)
-
Makakalaban niya si VM Yul ‘pag natuloy… GRETCHEN, matunog pa rin ang pangalan na tatakbong Vice Mayor
SA isang umpukan ng mga kasamahang kagawad ay napadako ang usapan namin sa mga taga-showbiz na possible pumalaot sa pulitika. Siyempre sa Maynila ay andyan at nag-iikot na sa Tondo anak ni Yorme Isko Moreno na si Joaquin Domagoso. May mga pangalan pang lumutang pero hindi pa sila nagpaparamdam. […]
-
3 magnanakaw ng motorsiklo arestado sa Navotas
Arestado ang tatlong hinihinalang magnanakaw ng motorsiklo habang inuumpisahan na umanong katayin ang ninakaw na motorsiklo sa Navotas city, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Raymond Rey, 36, Marvin Villamor, 24 at Jerwin Tadim, 22, pawang scavengers at mga residente ng Permanent […]
-
Ads November 24, 2021