• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG binalaan ang mga kandidato bawal ang anumang ‘physical contacts’ sa kampanya

BINALAAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kandidato hinggil sa iba’t ibang uri ng physical contact lalo at nalalapit ang pagsisimula ng campaign period para May 2022 elections.

 

 

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, anumang physical contacts na lumalabag sa Minimum Public Health Standards ay mahigpit na ipinagbabawal at hindi pinapayagan.

 

 

Kabilang sa mga hindi maaaring gawin sa panahon ng kampanya ng mga kandidato at ng kanilang mga kasamahan ay handshakes, hugs, kisses, going arm in arm, pamamahagi ng pagkain at inumin lalo na ang cash.

 

 

Partikular na tinukoy ni Sec Ano ang Section 15 ng Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10732, mahigpit din ito ipinagbabawal sa panahon ng caucus, meetings, conventions, rallies, at miting de avance.

 

 

Sa ilalim ng Section 14 sa nasabing resolution, ang mga kandidato at kanilang mga support staff ay mahigpit na ipinagbabawal na pumasok sa mga kabahayan lalo na sa panahon ng house to house campaigning kahit pumapayag pa ang may-ari ng bahay.

 

 

Sa darating na February 8 magsisimula na ang kampanya para sa national candidates habang March 25 para sa mga local candidates.

 

 

Siniguro ng kalihim na ang sinumang lalabag ay papanagutin sa ilalim ng Omnibus Election Code, kung saan maari silang makulong ng anim na taon at perpetual disqualification from holding public office.

 

 

Bukod dito, mahaharap din sa paglabag sa ordinances ng local government units (LGUs) at paglabag sa Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

 

 

Sa panahon ng kampanya, binigyang-diin ni Año sa mga local government units (LGUs) na striktong ipatupad ang Comelec’s campaign guidelines sa kanilang mga respective areas of jurisdiction at agad aksiyunan kung may natatanggap silang mga reklamo.

 

 

Nilinaw din ni Año sa Section 25 ng nasabing resolution ang mga barangay officials, tanods (village security officers), at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang striktong magpapatupad ng minimum public health standards sa panahon ng kampanya.

 

 

Habang ang Philippine National Police (PNP) ang inatasang mag mantene ng peace and order sa panahon ng campaign activities.

 

 

Ang pagpapatupad ng mga campaign protocols ay naka depende kung anong alert level status ang isang lugar.

 

 

Ayon sa kalihim, ang mga lugar na nasa alert level 4 at level 5 ay mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya.

 

 

Aniya, para sa mga caucuses, meetings, conventions, rallies, at miting de avance, pinapayagan ang nasa 70 percent operational capacity ng venue indoor or outdoor at allowed ito sa mga lugar na nasa level 1 areas while 50 percent ang pinapayagan sa mga lugar na nasa Alert Level 2. (Daris Jose)

Other News
  • 4 suspek sa Degamo slay, ‘kakanta

    NAGPAHAYAG ng kahandaang magsalita at makipagtulungan ang apat na nadakip na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa.     Kamakalawa ay naibiyahe na patungong Maynila ang mga suspek at nakatakdang ipasok ng Department of Justice (DOJ) sa Witness Protection Program (WPP).     Unang dinala sa kustodiya ng […]

  • May milagro kay Black

    NAGAGALAK at pasalamat si incoming Meralco sophomore professional Aaron Black sa pagkakasama niya top five candidates para sa Outstanding Rookie award ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Online Awards sa darating na Linggo, Enero 17.   “Definitely an honor to be considered as one of the better rookies of the (Philippine Cup) bubble,” litanya […]

  • Ginanap sa Coron kasama ang pamilya at piling kaibigan: LUIS, natupad ang plano na tahimik at solemn ang church wedding nila ni JESSY

    SA first anniversary ng “Dear SV” sinorpresa ni Kapuso aktres Rhian Ramos si Cong. Sam Verzosa.  Last February 6 ay isang memorable date yun kay Sam at siyempre ng programa niyang  “Dear SV” kung saan ipinagdiwang ng programa ang first year anniversary. Nakuha agad ng programa ang puso ng mga manonood, na unang ipinalabas sa […]