• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG, hinikayat ang LGUs na maghigpit sa pag-iisyu ng PWD IDs

Hinikayat ni Interior Secretary Eduardo Año ang lokal na pamahalaan na mas maging mahigpit sa pagpapatupad ng pag-iisyu ng identification cards para sa persons with disabilities.

 

“Maganda ang intensyon ng batas pero mayroong mga taong gustong abusuhin ang pribilehiyong ibinibigay sa mga tunay na PWDs. LGUs should, therefore, be wary of such individuals who want to secure a PWD ID even if they are not entitled to PWD privileges,” lahad ni Año.

 

Giit pa rito, dapat lamang iisyu ang PWD IDs sa may mga long-term physical, mental, intellectual, o sensory impairment kung saan isinasaad na “which may hinder their full, effective, and equal participation in society pursuant to the United Nations Convention.”

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 10754, ibinibigay sa PWDs ang 20% discounts, exemption sa value-added tax (VAT), 5% discount sa basic necessities at prime commodities, at express lanes sa commercial at government transactions.

 

“Hindi dapat magpatuloy ang ganitong pamemeke at pang-aabuso sa paggamit ng PWD IDs dahil baka mabangkarote pa ang mga business establishment lalo na ngayong panahon ng COVID-19,” lahad pa nito.

 

Samantala, nanawagan si Año called sa mga business establishment na ireport ang paggamit ng mga pekeng PWD IDs sa pulis.

 

“Kung walang magre-report, hindi natin mapipigilan ang ganitong panggugulang. We, therefore, urge business establishments to come forward if they encounter PWD impersonators with IDs so that authorities can act accordingly.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 4 pang NBA players nagpositibo sa COVID-19

    Apat pang panibagong mga NBA players ang nagpositibo sa COVID-19 mula ito sa halos 500 na isinailalim sa testing sa loob ng isang linggo.     Sinasabing kabilang sa nagpositibo sa virus ay ang mga players ng Chicago Bulls na sina Chandler Hutchison at Tomas Satoransky.     Bago ito, umabot sa 492 players ang […]

  • Obvious na may relasyon sa totoong buhay: VINCE at CHESKA, inaming na-starstruck kina DENNIS at BEA

    FEELING blessed ang Sparkle artists na sina Vince Maristela at Cheska Fausto dahil kasama sila sa cast ng ‘Love Before Sunrise’ ng GMA at Viu Philippines.     Sa naganap na yellow carpet event ng naturang teleserye sa SM Megamall Cinema 2, inamin ng dalawang SPARKADA members na sobra silang na-starstruck sa mga bida na […]

  • PASAWAY NA MOTORISTA BINALAAN…

    INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang “No-Contact apprehension program” (NCAP) ng lokal na pamahalaang lungsod na ipatutupad sa mga pangunahing lansangan sa Maynila.   Isinagawa ang nasabing seremonya sa kanto ng Quirino Avenue at Taft Avenue sa Malate, Maynila kung saan nagbabala si Domagoso ang mga pasaway na motorista na may magbabantay na […]