SASO BUMIBIDA SA JAPAN GOLF STATS
- Published on September 17, 2020
- by @peoplesbalita
SUMABLAY sa mga korona sa magkasunod na linggong yugto ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) 2020, pinakahuli sa Minolta Cup nitong Linggo ng hapon si Yuka Saso.
Pero siya pa rin lumilitaw na nagdodomina sa standings at sa mga statstic ng mayamang palarong ito sa rehiyon
Ang malakas pumalong 19-anyos na top Philippine golfer ang nagtatrangka pa rin makaraan ang limang torneo sa Mercedes ranking sa nalikom ng 644.85 points.
Ang isinilang sa San Ildefonso, Bulacan ang bida pa rin sa annual prize money sa ¥62,088,000 (P28.5M) kinita na, maski nahanay lang sa limang magkakatabla para sa ika-13 puwesto sa Minolta sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama kunsaan nabiyayaan siya ¥2,640,000 o P1.3M.
Susi rito ang pinagreynahan ng Fil-Japanese na Nitori Ladies Golf Tournament sa Hokkaido nitong Agosto 27-30 at NEC Karuizawa 72 Golf Tournament nitong August 14-16 sa Nagano.
Nasa tuktok din si Saso para sa average strokes (69.3889), top 10 finishes (3), eagle number (3), birdie number (74), number of rounds of 60 car (9), par 3 average scores (2.7917), qualifying round average stroke (69.3000), first round average stroke (67.4000);
Nasa limang kahilera iya sa number of games played (5), solo na uli sa sa number of rounds (18), average birdie (4.11), par break rate (23.77), par save rate (90.74), par on rate (76.85), ave. no. of putts (1.755), par (271), at dalawa pang kategorya. (REC)
-
Marvel Reveals New ‘Black Widow’ Poster, Will Release In Theaters & Disney+ Streaming This July
DISNEY announced that once again the studio is pushing the theatrical release of Marvel’s Black Widow from May 7 to July 9, and also streaming on Disney+ with Premier Access on the same day. Marvel Studios has also released a new poster for the film due to the newest playdate. Black Widow was originally […]
-
Sinibak na sekyu, namaril at nang hostage, 1 sugatan
SUGATAN ang nabaril na OIC ng security guard ng Virra Mall San Juan, Greenhills Shopping Center habang nasa 30 katao naman ang hawak na hostage ng suspek na nasa loob ng Admin office. Nakilala ang suspek na si S/G Archie Paray na armado ng pistoling baril habang sugatan naman si OIC Ronald Velita na […]
-
World Bank, pinalilinis sa PH gov’t ang listahan ng mga benepisaryo ng social programs
HINIMOK ng World Bank ang pamahalaan ng Pilipinas na linisin ang listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ayon kay World Bank Senior Economist for Social Protection and Job Global Practice Yoonyoung Cho, nakita nila na karamihan sa mga benepisyaryo ng cash transfer program ay hindi naman karapat-dapat. […]