• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG ipinasara POGO na ikinakabit sa ‘human trafficking’ sa Pampanga

ISANG  illegal na Philippine Offshore Gaming Operator ang ipinasara ng Department of the Interior and Local Government sa Pampanga matapos mapag-alamang may kaugnayan diumano ito sa human trafficking ng mga Tsino.

 

 

Pinangunahan ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. ang pagpapasara sa “Lucky 99 South Outsourcing Inc.” kasama ang pwersa ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group, mga kinatawan ng Philippine Amusement Gaming Corporation at ilang barangay officials.

 

 

Ani Abalos, ilang taon nang pinatatakbo ang pasilidad nang wala man lang license to operate. Kamakailan lang nang masagip doon ng mga pulis ang isang Tsino na diumano’y kinidnap kasama ang 42 iba pang trafficked workers.

 

“In the meantime, tinutugis ng ating mga kapulisan ang mga iba pang implicated dito,” ani Abalos sa isang pahayag, Lunes.

 

 

“Of course, tayo to exact accountability is, ginawa natin yung sulat sa PAGCOR at sa Securities and Exchange Commission para matukoy natin kung sino talaga dapat managot.”

 

 

Habang isinasagawa ng pagsalakay at pagpapasara sa kumpara, umabot pa sa 40 Chinese nationals at nasa 200 iba pa sa hotel ang natagpuan. Karamihan sa kanila ay undocumented at walang pasaporte.

 

 

Isang security official ang nagsabing ilan sa mga POGO na binibigyang lisensya ng gobyerno ay nagsasagawa ng iligal na aktibidad. Ang ilan dito ay ang pagkidnap daw at pagpatay sa ilan nilang tauhan para protektahan ang kanilang negosyo.

 

 

Noong nakaraang linggo lang din nang ibalita na na-kidnap ang isang Malaysian national matapos lumipad ng Pilipinas para makipagkita sa kanyang “boyfriend.” Matapos nito ay pinagtrabaho pa raw ang babaeng biktima sa isang unregistered POGO.

 

 

“Sisiguruhin natin na lahat sila ay madocument nang maigi ng Bureau of Immigration kasi baka mamaya mabiktima na naman sila. Hindi ito tungkol sa Filipino o Chinese, bawat buhay maprotektahan natin, iyon ang importante dito,” sabi pa ng DILG official.

 

 

“This is a strong statement sa mga kaibigan natin, hindi lamang sa dito sa Pampanga, kundi sa lahat. Magsumbong kaagad kayo sa kapulisan. Magtulungan tayo. Huwag kayong matakot.”

 

 

“Ambilis umaksyon ng kapulisan natin. Wala pa sigurong mga 12 hours, nasolve kaagad nila ang isang kidnapping case sa lugar na ito kamakailan lamang. At hindi kami titigil dito. Tandaan nyo yan.” (Daris Jose)

Other News
  • JOMARI, suportado ang pag-aartista ni ANDRE pati na ang hilig sa car racing; gusto nila ni ABBY na magka-baby

    SUPORTADO ni Konsehal Jomari Yllana ang anak nila ni Aiko Melendez na si Andre Yllana na ngayon ay isa ng contract star ng Viva Artists Agency at kasalukuyang napapanood sa rom-com series ng TV5 na Di Na Muli sa bida sina Julia Barretto, Marco Gallo at Marco Gumabao.     Kuwento nang muling tumatakbo bilang […]

  • Makaapekto kaya sa kanyang career?: MARICEL, idinawit ni Sen. BATO sa ipinagbabawal na gamot

    ABALA na sa paghahanda ang Lungsod ng Maynila para sa 50th Metro Manila Film Festival.   İsa sa natuwa siyempre ay ang aktor at kasalukuyang bise alkalde ng Maynila na si Yul Servo. Ayon kay VM Yul lahat naman daw ng mga kasamahan niyang namumuno ay masaya dahil naibalik daw sa Maynila ang naturang filmfest […]

  • 97 bagong Delta variant, natukoy

    Umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang nasa 97 bagong kaso ang natuklasan ng Department of Health (DOH) sa pinakabagong ‘whole genome sequencing’.     Sa 97 bagong kaso, 88 ang mga lokal na kaso, anim ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF), at tatlo ang kasalukuyang bineberepika […]