DILG kuntento sa performance ng mga LGUs sa pagtugon sa kalamidad
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
KUNTENTO si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa naging performance ng mga local government units sa kanilang disaster preparedness and response operations.
Ayon kay Año natuto na ang mga LGUs at ginagawa na ng mga ito ang kanilang mga trabaho lalo na kapag may mga natural disasters gaya ng Bagyo.
niya, 90 percent ng mga local government officials ay nasa kani- kanilang mga lalawigan nuong kasagsagan ng Bagyong Rolly bukod na lamang sa 10 opisyal na wala sa kanilang mga lugar.
Sinabi ni Año kaniyang pagpapaliwanagin ang 10 opisyal.
Umaasa ang kalihim na magtuloy-tuloy ang magandang performance ng mga LGUs.
Ang mababang bilang ng mga nasawi at nasugatan sa Supertyphoon Rolly ay dahil sa isinagawang preemptive evacuation lalo na duon sa mga tinaguriang danger zones.
Binigyang-diin naman ng kalihim na ang kanilang pakatutukan sa ngayon ay kung paano mapanatili ang komunikasyon sa mga lugar ba apektado ng bagyo. (Ara Romero)
-
Philippine Women’s football team may dalawang laro pa sa Australia bago ang pagsabak sa SEA Games
SINIMULAN na ng Philippine women’s national football team ang kanilang training para sa 31st Southeast Asian Games. Ayon sa Philippine Football Federation (PFF) na ang 25 kababaihan na football players ay nasa Australia ngayon. Pinangunahan ng kanilang coach na si Alen Stajicic ang nasabing womens football team. Bukod kasi […]
-
Japanese Energy firm, tiniyak ang suporta sa polisiya ni PBBM ukol sa renewable power
TINIYAK ng isang Japanese power generation company sa Philippine government ang stable supply ng liquefied natural gas (LNG) para suportahan ang economic growth ng bansa. Sinabi ni JERA Co. Inc. presidente ng Satoshi Onoda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kompanya ay nakikipagtulungan sa Aboitiz group, tumayong kinatawan si Sabin Aboitiz, […]
-
P2.3 milyong shabu nasabat sa bebot sa Bilibid
HIGIT sa P2-milyon na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad nang tangkang ipuslit papasok sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na Raquel Zuñiga, 33, residente ng Marasaga […]