• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG nag-init sa galit: Ban vs tricycle, pedicab sa highways

NAGLABAS ng kanyang galit sa mga “pasaway” tsuper ng tricycle at pedicab si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año dahil sa patuloy nilang pag-iral sa mga national highway kahit matagal na itong ipinagbabawal ng batas.

 

Dahil dito ay inatasan ni Año ang mga local chief executive na magtatag ng ‘tricycle task force’ na bubuo ng ‘tricycle route plan’ sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-036 sa kani-kanilang nasasakupan na dapat isagawa sa loob ng 30 araw pagkalabas nito.

 

Ginawa ng kalihim ang kautusan na nagbabawal sa mga tricycle, pedicabs, motorized pedicabs at habal-habal na dumaan sa main at national highways bunsod na rin ng road clearing operations kung kaya’t idinidiin ito sa mga lokal na pamahalaan.

 

“Matagal na nating ipinagbawal ang tricycles at pedicabs sa national highway ngunit ang daming pasaway,” sabi ni Año.

 

Aniya, dapat nang maging mahigpit ang mga mayor at pulis at siguruhing maipapatupad ang pagbabawal sa mga ito sa lansangan.

 

Babala ng kalihim, ang hindi susunod na LGUs sa kanyang direktiba ay iisyuhan ng show cause order na magsisilbing ‘ground’ para sampahan ng kasong administratibo na maaaring ikasibak nila sa posisyon.

 

Saklaw ng hihigpitan ang mga sasakyang tricycle, motorized pedicab at pedicab sa kahabaan ng nasabing mayorya na kalsada.

 

Tuloy niya, “Hindi lang ito nakasasagabal sa daan kundi nagiging sanhi rin ng sakuna sa kalye. Kaya dapat nang maging mahigpit ang mga mayor at ang pulis at siguruhing maipapatupad ang ban na ito.”

 

Pwede ang mga tricycle at pedicab sa mga national highway kung ito na lamang ang natitirang daan para sa kanila, ngunit hindi lahat ng dumadaan dito ay nasa tama. Meron pa rin bumabagtas dito bilang “shortcut” sa kanilang mahabang ruta.

 

Ang batas na nagtatakda dito ay ang Memorandum Circular 2007-01: “For safety reasons, no tricycles or pedicabs will operate on national highways utilized by 4-wheel vehicles greater than 4 tons and where normal speed exceed 40 KPH. However, the SP/SB may allow if there is no alternate route.”

 

Ang kautusan ay nagawa noong 2007, ngunit makalipas ang 13 taon, patuloy pa rin ang pagsaway dito ng ilan.
Ayon sa World Health Organization (WHO) noong 2016, 43% ng mga aksidente sa kalsada sa Southeast Asia mula sa mga two o three-wheeled vehicle.

 

Taong 2016, matatandaang naitala ang 2,658 disgrasya kaugnay ng mga tricycle, ayon kay John Juliard Go ng WHO Philippines.

Other News
  • Arrest order ng China simula na ngayon

    TINIYAK ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang  tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea.       Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, tuluy-tuloy […]

  • Ilang LGU sa Metro Manila sisimulan ng ipamigay ang cash assistance

    Sisimulan na bukas Abril 6, 2021 ng ilang local government unit (LGU) ng Manila, Marikina, Navotas at Quezon City ang pamamahagi ng cash assistance.     Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, makakatanggap mula P1,000 hanggang P4,000 ang bawat benepesaryo mula sa nabanggit na mga lugar.     Magugunitang naglaan ang […]

  • LTFRB: 69,000 PUVs handa ng magsakay ng mga commuters

    SINIGURADO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuters na may 69,000 na public utility vehicles ang magiging available upang magsakay ng mga commuters kahit na may concerns tungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng one-meter distancing policy sa mass transportation.   Sa isang statement sinabi ng LTFRB na patuloy pa rin silang […]