• March 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: 69,000 PUVs handa ng magsakay ng mga commuters

SINIGURADO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuters na may 69,000 na public utility vehicles ang magiging available upang magsakay ng mga commuters kahit na may concerns tungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng one-meter distancing policy sa mass transportation.

 

Sa isang statement sinabi ng LTFRB na patuloy pa rin silang magbubukas ng public transportation routes upang magbigay ng serbisyo sa publiko sa panahon ng COVID-19.

 

Sa datus ng LTFRB, may 378 routes ang may serbisyo na ng iba’t ibang transport modes sa Metro Manila pa lamang. Ito ay ang 3,854 public utility buses, 386 point-to-point buses, at kasama rin ang 1,905 na UV Express Service units na may kabuong 127 routes.

 

“We are still going to clarify with the Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Diseases if the current 50 percent reduced allowed capacity of public buses will be maintained or be replaced with the one-meter-distance policy,” wika ni transportation assistant secretary Goddes Libiran.

 

Sinabi Libiran na kung mahigpit talagang ipatutupad ang one- meter distance sa mga buses, ibig sabihin nito ay mababawasan ang allowed capacity ng mas mababa pa sa 50 percent.

 

Dati pa gusto ng Department of Transportation (DOTr) an bawasan ang physical distancing sa mga PUVs ng 0.75 meter subalit hindi pumayag ang ibang sectors dahil ayon sa kanila hindi ito effective sa pagsugpo ng pagkalat ng COVID-19.

 

Ang ibang medical experts at kahit na ang pinuno ng Department of Health (DOH) ay mas gusting manatili ang one-meter distance na siyang recommended ng World Health Organization. (LASACMAR)

Other News
  • KC, all-out ang support na ipinakita kay Sen. KIKO sa pagtakbo bilang Vice President

    ALL-OUT support ang ipinakita ni KC Concepcion sa kanyang Facebook at Instagram accounts para sa desisyon ng kanyang stepdad na si Sen. Kiko Pangilinan na tatakbo bilang Vice President sa May 2022 national elections.     Si Sen. Kiko ang napiling ka-tandem ni Vice President Leni Robredo na tatakbo naman bilang pangulo matapos nilang mag-file […]

  • Updated Red, Green, and Yellow List , inaprubahan ng IATF

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 at ipinalabas ang updated Red, Green, and Yellow List nito epektibo Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 15, 2021.   Ang bansang Latvia ay naka-classify sa ilalim ng Red List.   Inisa-isa naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bansa/jurisdictions/territories sa ilalim ng Green […]

  • Ads March 10, 2021