DILG, pinayuhan ang LGUs na maglunsad ng barangay anti-dengue campaign
- Published on September 10, 2022
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) na buhayin ang kanilang barangay inter-agency campaign laban sa dengue bunsod na rin ng pagtaas ng kaso nito.
Sa isang kalatas, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) ay itinatag simula pa noong 2012 at nakatulong para maiwasan ang insidente ng pagkakaroon ng dengue.
“Dengue remains to be a public health threat and with the escalating cases in the country today, LGUs must take a proactive stance and implement strategies to protect our people in the communities from this deadly disease,” aniya pa rin.
“Barangay captains are tasked to lead clean-up drives and mobilize volunteers, residents, and barangay health teams such as the Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) and barangay health workers,” ang pahayag ng DILG.
Inaasahan naman na imo-monitor ng mga Alkalde ang health situation sa kanilang lugar, magbigay ng dengue data sa mga ahensiya at tiyakin na ang pasyente ay mabibigyan ng medical attention.
Dahil dito, hinikayat ni Abalos ang publiko na i-exercise ang ‘Enhanced 4S’ o ang “search and destroy breeding sites, seek early consultation, self-protection, and say ‘yes’ to fogging only in hotspot areas where an increase is registered for two consecutive weeks.”(Daris Jose)
-
Ads November 1, 2024
-
Russian state media account, ini-demote ng Meta sa lahat
DEMOTED na sa lahat ng platforms ng Meta sa buong muna ang Russian state media accounts, gayundin ang mga content na kumokonekta sa mga sites nito. Sa isang statement ay kinumpirma ito ni Meta’s global affairs president Nick Clegg. Ang Meta aniya ang siyang nagde-demote ng content ng Russian state-controlled na […]
-
460,000 Overseas Filipino, napauwi na ng DFA dahil sa Covid-19 simula 2020
MAHIGIT 460,000 Overseas Filipino ang napauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pilipinas. Ang mga pinauwing OFWs ay mula sa iba’t ibang bansa. Nagsimula ang Pilipinas na ibalik ang mga distressed Filipino simula noong 2020. Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, pumalo na […]