• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG sa mga LGUs:’Pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari stores’

HINIMOK ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga local government units (LGUs) na pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari sari stores.

 

 

Ito ay kasunod s paglaganao ng mga pekeng gamot sa mga maliliit na retail stores.

 

 

Inatasan din ni Sec Año ang Philippine National Police (PNP) na agad arestuhin ang mga lumalabag na patuloy na iginigiit ang pagbebenta ng mga gamot lalo na yung mga peke.

 

 

Sisiguraduhin din ng PNP na kanilang imomonitor ang mga tindahan na nagbebenta ng mga gamot.

 

 

Ayon kay Sec. Año dapat protektahan ng mga LGUs ang health and welfare ng kanilang mga constituents, kaya dapat siguraduhin ng mga ito na hindi nagbebenta ng mga gamot ang mga sari sari stores dahil sa ilalim ng batas hindi sila otorisado.

 

 

Sa ilalim ng Section 30 ng Republic Act (RA) No. 10918 ang Philippine Pharmacy Act, only Food and Drug Administration (FDA)-licensed retail drug outlets or pharmacies ang pinapayagang magbenta ng gamot para sa consuming public.

 

 

Siniguro ni Año ang suporta sa FDA at maglalabas ng Memorandum Circular (MC) sa mga LGUs para itigil na ang pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari stores at iba pang outlets other outlets without FDA authorization.

 

 

Panawagan naman ng kalihim sa publiko na bumili ng gamot sa mga drug store o pharmacies na otorisadong magbenta.

 

 

Ayon kay Año nakakatakot at delikado ang mga pekeng gamot lalo at nasa gitna pa rin tayo ng pandemya.

 

 

Ang mga mahuhuling nagbebenta ng mga pekeng gamot ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA No. 8203 or the Special Law on Counterfeit Drugs.

Other News
  • Tuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Cardo Dalisay: CHARO, pasok na sa ‘FPJAP’ at kaabang-abang magiging karakter

    SO, hindi pa rin matatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil may bagong papasok na kaabang-abang ang karakter na gagampanan ni Ms. Charo Santos-Concio.     Sa teaser na inilabas ng Dreamscape Entertainment, ini-reveal ang pagpasok ng award-winning actress sa teleserye ni Coco Martin na nantunghayan na kagabi (June 17), na sinasabing, “Isang babae ang magsisilbing […]

  • Ads November 20, 2021

  • Mayweather, hindi isinama sina Pacquiao at Ali sa top 5 na pinakamagaling na boksingero niya

    Hindi isinama ni US retired boxing champion Floyd Mayweather sina Manny Pacquiao at Muhammad Ali bilang top 5 na pinakamagaling niyang boksingero sa buong mundo.   Isinagawa nito ang pahayag sa Instagram live ni FatJoe. Tinanong siya dito na magbanggit ng limang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo kasama siya sa listahan.   Ilan sa […]