DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan
- Published on November 23, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.
Sa isang simpleng programa, sinabi ni DILG Reg. 3 Director Karl Caesar R. Rimando na pinondohan ng nagkakahalagang P20 milyon ang proyekto kabilang na ang Concreting of Farm-to-Market Road, Construction of Two Units of Health Center at Electrification Project.
Mabibigyan rin ang mga residente ng mga hayop na maaaring paramihin at pagkakitaan, mga pataba at mga binhi.
Samantala, pinasalamatan naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang DILG sa pagpili nito sa Brgy. San Mateo bilang isa sa mga benepisyaryo ng programa at pinaalalahanan ang mga Bulakenyo na ingatan at alagaan ang nasabing mga proyekto sa kanilang barangay.
“Lubos ang aking pasasalamat dahil isa ang Brgy. San Mateo sa napiling lugar dito sa Lalawigan ng Bulacan upang isagawa ang Barangay Development Program. Malaking tulong ito sa ating kapwa Bulakenyo sa Norzagaray, umpisa pa lamang ito ng pag-unlad. Karugtong nito, hinihiling ko lamang na ating alagaan at ingatan ang mga proyektong ipinagkaloob sa atin,” anang gobernador.
Itinatag ang Barangay Development Program (BDP) sa layuning maghatid ng kaunlaran sa mga komunidad sa bansa na dati ay may kaguluhan.
-
Motorcycle experts, ikinababahala ang prototype design
Posible umanong makaapekto ang protective shield na nakalagay sa inilabas na prototype design ng Ainter-Angency Task Force (IATF) para sa mga motorsiklong papayagan mag-angkas simula noong Biyernes, July 10. Ayon sa ilang eksperto sa motorsiklo. lubha raw kasing delikado ang protective shield na ito para sa aerodynamics ng motorsiklo lalo na kapag malakas ang […]
-
Ukraine wala pang balak na isara ang kanilang airspace
WALANG plano ang Ukraine na isara ang kanilang airspace kahit na may nagaganap na tensiyon sa pagitan nila ng Russia. Ayon kay Mykhailo Podolyak, ang adviser ng chief of staff ng pangulo ng Ukraine, na hindi pa mahalaga ngayon ang nasabing hakbang. Ipapaubaya rin ng gobyerno ng Ukraine sa mga airline […]
-
PVL sunod na target ni Santiago
Aabangan na ang pagbabalik ni Jaja Santiago sa Pilipinas para palakasin ang Chery Tiggo sa Premier Volleyball League (PVL) na inaasahang masisimulan sa Mayo. Galing si Santiago sa impresibong kampanya sa Japan. Tinulungan nito ang Ageo Medics na maibulsa ang korona sa Japan V.League Division 1 V Cup noong Linggo sa […]