• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Motorcycle experts, ikinababahala ang prototype design

Posible umanong makaapekto ang protective shield na nakalagay sa inilabas na prototype design ng Ainter-Angency Task Force (IATF) para sa mga motorsiklong papayagan mag-angkas simula noong Biyernes, July 10.

 

Ayon sa ilang eksperto sa motorsiklo. lubha raw kasing delikado ang protective shield na ito para sa aerodynamics ng motorsiklo lalo na kapag malakas ang hangin. May tsansa raw kasi na itulak ng hangin ang motor at mararamdaman din umano ng driver na pumapalag ito dahil pipigilan ng protective shield ang maayos na pagdaloy ng hangin.

 

Nagpahayag naman ng pagtutol ang Motorcycle Philippines Federation sa protective barrier na ilalagay sa gitna ng rider at driver para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

 

Sinabi ni Director for Administration ngMotorcycle Philippines Federation Atoy Sta. Cruz na posible pa umano itong maging dahilan na maaksidente ang magka-angkas.

 

Aniya sapat na raw ang pagsusuot ng facemask, faceshield at full face helmet sa kadahalinang mag-asawa naman ang nakasakay sa motorsiklo.

 

Hiniling din ng grupo kay DILG Sec. Eduardo Ano na obligahin ang lahat ng mag-asawa o live-in partner na kumuha ng ID o certification na magpapatunay na nakatira sila sa iisang bahay upang mapabilis ang gagawing checkpoint. (Daris Jose)

Other News
  • Wanted sa kasong rape sa Masbate, natimbog sa Malabon

    Nasakote ng mga operatiba ng Malabon police ang isang most wanted person sa probinsya ng Masbate dahil sa kasong four counts of rape sa isang follow-up operation sa Malabon City.     Kinilala ni Malabon polioce chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Geraldo Magbanwa, Jr., 21, factory worker at residente Barangay Ubo, […]

  • PAGBILI NG BAGONG VCM, INIREKOMENDA

    DAPAT nang  umarkila ng mga bagong vote counting machine para sa pagsasagawa ng 2025 polls at higit pa upang maiwasan ang mga insidenteng hindi gumaganang VCM sa hinaharap.     Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia ang posisyon sa deliberasyon ng Commission oin Appointments sa kanyang nominasyon bilang poll body chairperson at sinabing hindi na […]

  • ANIM NA DISTRICT HOSPITAL NG MANILA LGU NASA “RED FLAG” NA

    HALOS okupado na ang anim na pampublikong ospital sa lungsod ng Maynila .   Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na  baka hindi na nila ito kayanin  ngunit tiniyak naman ng alkalde na agad nilang gagawan ng paraan ang nasabing sitwasyon  upang mabigyan ng karampatang lunas ang mga pasyente ng COVID-19 na nangangailangang ma-admit […]