Dingdong at Alden, parehong wagi ng best actor: NORA, MARICEL at VILMA, triple tie sa ‘40th Star Awards for Movies’
- Published on July 23, 2024
- by @peoplesbalita
IT’S a… triple tie!
Yes, tatlo ang nagwaging Movie Actress of the Year sa katatapos lamang na 40th Star Awards for Movies ng PMPC o Philippine Movie Press Club.
History ito dahil unang beses itong nangyari sa apatnapung taon ng Star Awards.
Tinanghal na Movie Actress of the Year ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor (para sa pelikulang ‘Pieta’), ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ( para sa ‘When I Met You In Tokyo’) at ang Diamond Star na si Maricel Soriano (para naman sa ‘In His Mother’s Eyes’).
Sayang nga lamang at hindi nakumpleto ang presensiya ng tatlong aktres dahil wala si Ate Vi.
Emosyunal ang yakapan at speech nina Ate Guy at Marya na kapwa dumalo sa awards night nitong Hulyo 21 ng gabi sa Henry Lee Irwin Thater sa Ateneo De Manila University sa Katipunan Quezon City.
Nagningining ang kaguwapuhan at husay ng dalawang Kapuso Kings dahil tie sila bilang Movie Actor of the Year, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa ‘Rewind’ nila ni Marian Rivera at ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para naman sa ‘Five Breakups and a Romance nila’ ni Julia Montes.
Nakatutuwa naman na kahit hindi nakapag-uwi ng Best Actor trophy ay nasa awards night sina Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes), Cedrick Juan (Gomburza), at Alfred Vargas (Pieta) na mga nominado rin bilang pinakamahusay na aktor.
Movie of the Year ang ‘Mallari’ at ang direktor nitong si Derick Cabrido, Indie Movie of the Year ang ‘Litrato’ at Indie Movie Director ang direktor nitong si Louie Ignacio.
Nagsilbing hosts ng awards night sina Alden, Robi Domingo, Bianca Umali at Aiko Melendez.
Agaw-pansin si Aiko na ang ganda-ganda at ang seksi sa apat na gowns na salitan niyang isinuot.
Opening number ang paghataw ng Asia’s Pop Heartthrob na si Darren Espanto with the Manoeuvres.
Kumanta ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez bilang tribute sa Viva Films producer at Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Awardee na si Vic del Rosario Jr.
Sa Viva umalagwa nang husto noon ang acting career ni Regine at lahat ng pelikula niya sa Viva ay blockbuster.
Kumanta ang grupong Anthology.PH para kina Dekada Awardees Nora Aunor at Drama King Christopher de Leon (na nominado rin bilang Movie Actor of the Year para sa ‘When I Met You In Tokyo’).
Kinilig ang mga fans, na karamihan ay mga Noranians, nang nasa stage sina Guy at Boyet.
Bukod kay Ate Vi, hindi rin nakarating ang isa pang Dekada awardee na si Piolo Pascual na kasalukuyang nasa ibang bansa.
Nanggilalas naman ang audience sa napakahusay na performance nina Tawag ng Tanghalan Season 3 grand champion Laine Duran, The Voice Kids Season 1 grand champion na si Lyca Gairanod, Bida Next grand winner Carren Eistrup, at Pinoy Pop Superstar season 1 grand champion Jona.
Ang 40th Star Awards for Movies ay inoorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nito na si Rodel Ocampo Fernardo. Katuwang ng PMPC ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay idirehe ni Eric Quizon.
Una nang inihayag ng PMPC ang mga winners nila sa ibang kategorya noong Hulyo 12 sa iba-ibang social media platforms at news channels.
Ang kabuuan ng awards night ay ipalalabas sa A2Z sa July 27, Sabado,10:30 ng gabi.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Papel ng kababaihan sa Pinas ibinida ni Pangandaman
NANANATILI ang commitment ng bansa sa pagtataguyod ng women empowerment, partikular ang kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng kapayapaan, diin ni Budget Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman. Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng International Conference on Women, Peace, and Security (ICWPS) sa Philippine International Convention Center (PICC), ibinahagi ni Pangandaman ang mga hakbangin ng […]
-
Hiling ng NPC, hindi sinang-ayunan ni Bello
Tinanggihan ng labor department ang hiling ng Philippine National Police (PNP) na gawing requirement ang pagkuha ng National Police Clearance (NPC) para sa anumang transaksiyon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Sa liham ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito kay PNP chief Debold Sinas na: “Bagama’t maganda ang intensiyon, ang […]
-
Marcial pinuri si Pacman
Nagbigay ng tribute si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial kay Manny Pacquiao isang araw matapos matalo ang Filipino world eight-division champion kay Cuban world titlist Yordenis Ugas. Ayon sa middleweight na si Marcial, habambuhay na mananatili si Pacquiao sa kanyang puso. “Ever since I was a child, the name Manny […]