DINGDONG at MARIAN, muling mapapanood sa primetime sa pagbabalik ng ‘Endless Love’
- Published on May 7, 2021
- by @peoplesbalita
MUKHANG inip na ang mga DongYan fans ng mag-asawang Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, na mapanood silang magkasama sa isang serye.
Kaya umani ng maraming likes ang post ng GMA Network na muling mapapanood sa GMA Telebabad ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Endless Love na ipinalabas 11 years ago.
Hango ito sa South Korean drama na Autumn in My Heart na ipinalabas dito noong 2000 pero ang Pinoy adaptation ay ipinalabas dito in 2010.
Kasama rin sa serye sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Bela Padilla, Tirso Cruz III at SandyAndolong. Dinirek ito nina Mac Alejandre at Andoy Ranay.
***
NAGLAGAY ng sariling community pantry ang actress na si Bea Alonzo, sa kanyang bahay noong Labor Day, na ang binigyan niya ng pagpapahalaga ay ang kanyang mga house helpers at ilang frontline workers, delivery drivers, who go extra mile to keep them all safe, healthy, in these trying times.
Kasama ang kanyang staff, may indoor games sila, na ang mga winners ay tumanggap ng P 20,000 at P 10,000 namang consolation prizes. Nag-order lamang si Bea ng pagkain at sinurpresa niya ang mga delivery riders ng P 15,000 each. May naka-set din siyang table na puno ng chips, biscuits and drinks para sa mga delivery riders na dumaraan sa tapat ng bahay niya.
Isang fan niya, si Cathy, na madalas siyang binibisita noon sa kanyang mga tapings, na ngayon ay isa nang health worker na humaharap sa high risk duty nito, ang binigyan ni Bea ng P 20,000 as her Labor Day gift dito.
***
HINDI rin naman nagpahuli ang AlDub Nation (ADN) fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na maglagay ng kanilang community pantry.
Sa pangangasiwa ng ilang admins ng iba-ibang fan club, kasama ang mga Team Abroad ADN, namigay din sila sa Binan, at Pagsanjan, Laguna. Bukod sa bigas, groceries and toiletries, namigay din sila ng McDo burgers para sa mga bata.
May mga naka-schedule pa silang community pantry sa iba pang mahihirap na lugar sa Laguna at isasama na rin nilang bibigyan ang mga delivery riders sa mga susunod na araw.
Mayroon din sila sa Sta. Maria, Bulacan na present naman si Nanay Dub ni Maine sa kanilang community pantry distribution doon.
Samantala, back to work sina Alden at Maine sa kani-kanilang project. Sa Sunday, muling mapapanood ang Bida Kid singing competition na Centerstage hosted by Alden. Pansamantala silang nahinto dahil hindi sila makapag-taping nang muling sumipa ang Covid-19 cases at hindi talaga pwedeng magtrabaho ang mga bata.
Tuluy-tuloy na ang taping ni Maine ng kanyang bagong weekly travel and food show para sa Cignal TV.
***
KINIKILIG ang mga netizens at followers ng GMA Network romantic-comedy series nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, na mas pinili ni PGA (President Glenn Acosta, Gabby) na sundin ang kanyang puso at mas pinili niya si Yaya Melody (Sanya) kaysa sa socialite na si Lorraine (Maxine Medina).
Kahit si Blesilda (Pilar Pilapil) ay pinili ang babaeng mamahalin hindi lamang si PGA ganoon din ang mga anak nito. Pero siguradong may buwelta si Lorraine at ang ama nito (Gardo Versoza) kina PGA at Yaya Melody.
Abangan ang First Yaya gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. (NORA V. CALDERON)
-
THE TEASER TRAILER OF “TRANSFORMERS: RISE OF THE BEASTS” IS HERE!
NEXT year, power is PRIMAL. Check out the new teaser trailer for Paramount Pictures’ epic action adventure Transformers: Rise of the Beasts below and watch the film in theaters June 2023. YouTube: https://youtu.be/gDkYYVlzJsc Facebook: https://fb.watch/h8XIc0kPoV/ About Transformers: Rise of the Beasts Returning to the action and spectacle that have captured moviegoers around the world, Transformers: Rise of […]
-
Alok ng DOLE na payagan ang libo-libong mga health care workers na magtrabaho sa UK at Germany
WELCOME sa Malakanyang ang alok ng Department of Labor and Employment (DoLE) na hayaan ang libo-libong mga health care workers na karamihan ay nurses na magtrabaho sa United Kingdom at Germany kung ang dalawang bansa naman ay pumayag na mag-donate ng COVID-19 vaccines. Sinabi kasi ni Alice Visperas, director ng labor department’s international affairs […]
-
Political leader todas sa pamamaril sa Malabon
NASAWI ang isang political leader ni Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel matapos pagbabarilin ng isang hindi kilalang suspek, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod. Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilala bilang Renato Luis, 47 ng Block 3, KADIMA, Barangay Tonsuya. […]