DINGDONG, habambuhay nang nakaukit sa pagkatao ang pagiging Kapuso; MARIAN, teary-eyed habang inaalala ang journey niya
- Published on July 20, 2021
- by @peoplesbalita
PAREHONG naglabas ng video ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang pagpapatunay na sila ay “Proud to be Kapuso.”
Parehong mga nagsimula sa kanilang showbiz career bilang mga Kapuso talaga. Si Dingdong ay 25 years na habang si Marian naman ay almost 20 years na.
Halos mahigit sa kalahati na ng taon nila ang pagiging Kapuso nila and true enough naman, karamihan ng magagandang nangyari o ano sila ngayon, malaking bahagi ang GMA-7.
Teary-eyed pa si Marian habang inaalala ang journey niya. At kung paano nga naman na nabago ang buhay niya.
Si Dingdong naman, nag-post pa sa kanyang Instagram account. Sey ni Dingdong, “25 solid years ang pagiging Kapuso— it’s part of who I am. Nakaukit na ‘yan sa aking pagkatao…habambuhay. Kaya mula noon hanggang ngayon, ako’y proud to be a Kapuso!”
Hmmm… patunay ba ito na ang network ay hindi basura o never naging at magiging basura?
***
HINDI maitago ni Andrea Torres ang kanyang kaligayahan at excitement sa muli niyang pagpirma ng network contract sa GMA-7.
Very happy rin si Andrea sa nararamdamang pagpapahalaga sa kanya ng network.
Sa 13 years niya bilang Kapuso, ni minsan, ‘di raw pumasok sa isip niya na mangibang bakod.
Mapapanood na ngang muli si Andrea sa GMA Telebabad simula sa Lunes, July 26 sa Legal Wives. Si Andrea ang isa sa tatlong asawa ni Dennis Trillo sa serye.
Bilang lumaking Kristiyano, naitanong kay Andrea kung sa totoong buhay, nakikita niya ang sarili na posible rin na pumasok sa situwasyon na katulad ng ginagampanan niyang karakter.
“Siguro mahirap po sa atin,” pag-amin niya.
“Kasi, sanay po tayo na isa lang talaga. Although sa soap na ‘to, nalaman ko po na it’s a selfless act.
“Kumbaga, parang kung halimbawa, may babaeng nangangailangan, nabiyuda siya or na-rape siya, it’s their way of saving, helping the person. So may deeper meaning po siya and I think, nakakatuwa kasi, mas naa-appreciate natin ang culture nila.
“At saka family-oriented sila at kailangan daw po, equal ang treatment.”
Puring-puri naman ni Andrea ang leading man na si Dennis.
Aniya, “Sobrang simple niya pong tao pala. Walang kayabang-yabang sa katawan. Doon ako na-impress sa kanya.
“Never siyang nagalit, never siyang nakasimangot. Sobrang gaan lang niyang kasama. Pati sa mga eksena po, sabi ko nga, kapag siya ang ka-eksena ko, hindi ko kailangang mag-prepare. Kasi, kapag nagtinginan na kami, naaapektuhan na ‘ko sa kanya.
“Very generous siya na actor.”
(ROSE GARCIA)
-
Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan
TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan. Ayon kay LTO Assistant Secretary Teofilo Guadiz III kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016. “Ang timeline ko rito mga six months […]
-
GAME TO FILM “FIVE NIGHTS AT FREDDY’S” HITS CINEMAS THIS HALLOWEEN
GET ready for a game of survival at the cinemas when “Five Nights At Freddy’s” opens November 1 nationwide, from Universal Pictures International. From horror haven Blumhouse, producers of recent hit cinema terrors “M3gan”, “The Black Phone” and “Invisible Man” brings “Five Nights at Freddy’s” to the big screen. The film stars Hunger Games’ […]
-
Mas marami pang criminal complaints, inaasahang ihain laban kay suspended BuCor chief Bantag
INAASAHANG mas marami pang criminal complaints ang ihahain laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag. Ayon kay BuCor Acting Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr, patuloy na nangangalap ng ebidensiya ang BuCor laban kay Bantag para sa plunder charges nito sa umano’y maanomaliyang proyektong pagtatatag ng tatlong prison […]