Teng pinuno na ng Alaska
- Published on February 14, 2020
- by @peoplesbalita
SA simula nang unang upo ni Jeffrey Cariaso bilang coach ng Alaska Milk, mababalasa rin ng tatahakin ang Aces.
Mga bagong dugo na ang inaasahang ipangkakanaw ng gatas sa papasok na buwang 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020.
Bubuksan ang all-Pinoy Conference sa Marso 8 na si Jeron Teng na ang magiging bagong lider ng koponan.
Ang 25-anyos ay fifth pick overall nitong 2017 buhat sa De La Salle University Green Archers.
“The plan is to revolve the team around Jeron,” pagbubunyag ni Board representative Richard Bachmann. “We expect big things from him.”
Nabalian si Teng sa unang bahagi ng nakaraang 2019-2020 Governor’s Cup – ang unang conference na hinawakan ni Cariaso, ang kampo mula kay Alexander Compton. Pagkabalik ng sophomore guard, nagpapanalo ang Alaska at nakarating pa ng playoffs pero muli siyang inabot ng injury sa tuhod at nasibak ang Aces sa quarterfinals.
“Jeron’s a big part of our future, so we’re gonna rely on him to be that solid three-guy,” reaksyon naman ni Cariaso. “When you’re the three, you’re expected to play both ends so that’s one thing he needs to kinda accept.”
Sumariwa o bumata ang lineup ng Alaska sa pagtapik nitong offseason kina rookies Barkley Ebonia, Jaycee Marcelino at Rey Publico. Binitawan si Simon Enciso pa-TNT para makuha si gunner Mike Digregorio.
Sasama ang mga ito kina Abu Tratter, Maverick Ahanmisi, Robbie Herndon at Rodney Brondial. Sina Herndon at Brondial ang mga nagbuhat sa Magnolia karelyebo ni Chris Banchero.
Malaki rin ang ang gagampanan papel nina veterans JVee Casio, Vic Manuel at Kevin Racal. Lalaro pa si Joachum Gunter ‘Sonny’ Thoss sa season-opening tournament bago magretiro.
Nakareserba pa sa prangkisang Uytengsu sina Jesper Ayaay, Gideon Babilonia at Abel Galliguez.