DINGDONG, natupad na ang dream na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity
- Published on May 5, 2021
- by @peoplesbalita
NOONG May 1, Labor Day, natupad na ang dream ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity, sa pamamagitan ng pagtutulungan nila ng kanyang YesPinoy Foundation at Rotary Club of Makati, para mag-train at magturo sa mga Pandemic-affected workers, engaged as Partner Riders by Dingdong.
Sa pamamagitan ng partnership ng Wheels@55 Program, ang Dingdong Partner Riders ay pwedeng mag-loan ng quality motorcycle na ZERO and downpayment at ZERO interest.
“Through the generosity of the Rotary Club of Makati and the leadership of RCM President Peter Manzano, we will be able to help our Rider Beneficiaries perform their jobs better, and sustain their livelihood to continue supporting themselves, their families and their community.”
Congratulations Dingdong!
***
LABIS ang pasasalamat nina Ramon “Bong” Revilla Jr. at Sanya Lopez, mga bida ng bagong action-packed fantasy-drama series na Agimat ng Agila dahil sa magandang response ng mga televiewers nang mag-world premiere sila nito last Saturday, May 1.
Hindi naman magiging problema kay Sanya na magkaroon siya ng conflict sa taping ng Agimat ng Agila dahil nakapag-tape na siya ng mga eksena niya noon pa bago naman siya nagsimula ng lock-in taping sa isa pa niyang teleserye, ang romantic-comedy series na First Yaya.
Kaya libre na si Sanya at ngayon ay nasa 4th lock-in taping na siya (na sabi’y aabutin pa sila ng one month), ng top-rating primetime show nila ni Gabby Concepcion.
Mas excited ngayon ang mga netizens na sumusubaybay sa kanila dahil masaya silang mas pinili na ni President Glenn Acosta (PGA) si Yaya Melody kaysa sa suplada at mataray na si Lorraine, played by Maxine Medina.
Pero papayag ba naman si Lorraine na matalo siya ng tinatawag niyang “Maid Melody?” Ang isa pang tanong, tatanggapin ba ng mga anak ni PGA si Yaya Melody na kapalit ng kanilang Mama Christine?
Patuloy nating subaybayan ang First Yaya gabi-gabi sa GMA-7 after 24 Oras.
***
MUKHANG tuluy-tuloy ang pagpapakilig ng GMA new love team na sina Cassy Legaspi at JD Domagoso, dahil tanggap na tanggap ng mga sumusubaybay ng First Yaya ang kanilang away-bati characters sa romantic-comedy series.
Natuwa ang mga netizens nang mag-share sila ng series of photos looking like royalty and obviously enjoying each other’s company, with smiles from ear-to-ear, ala-Frozen sa kani-kanilang Instagram posts, na may two “Sandwiches” at caption na “we finish each other’s sandwiches” is a famous line from the song “Love Is An Open Door” from the movie.
Nakakuha nang hundreds of comments ang posts nila mula sa kanilang mga fans noticing their Frozen reference and expressing their fondness for the two.
Cassy play the role of Nina Acosta, na anak ni President Glenn Acosta. Si JD naman ay ang orphan na si Jonas, magkaklase sila sa school. Noong una ay tinaray-tarayan ni Nina si Jonas na alaga rin naman siyang asarin.
Pero ngayon ay nababago na ang pagtingin nila sa isa’t isa at lagi silang magkatulong sa mga projects assigned to them.
Tuluyan na bang mabago ang pagkilala ni Cassy kay Jonas, sa kabila na anak siya ng president ng Pilipinas?
Ang First Yaya ay dinidirek ni LA Madridejos. (NORA CALDERON)
-
PFIZER VACCINE, DINAGSA NG MGA NAIS MAGPABAKUNA SA MAYNILA
DINAGSA ng mga nais magpabakuna kontra COVID-19 vaccine gamit ang Pfizer ang Manila Prince Hotel sa Ermita noong Lunes. Madaling araw pa lamang ay mahaba na ang pila na kinabibilangan ng kategoryang A1 (medical frontliners), A2 (senior citizen), at A3 (person with comorbidity) para sa kanilang first dose. Ayon kay Manila […]
-
Ads October 27, 2021
-
‘Overpriced’ laptops iimbestigahan ng Senado
PINAPAIMBESTIGAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang isyu kaugnay sa ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops na binili ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM). Sa Senate Resolution 120 ni Pimentel, inaatasan nito ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations […]