• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINISMIS na agad ng Megastar na si Sharon Cuneta ang pagkukumpara sa kanila ng panganay na anak na si KC Concepcion ng ilang netizens.

Dahil sa magkasunod na Instagram post ni Sharon na naka-swimsuit siya habang nakaupo sa pool.

 

Size 10 na raw siya at matagal na raw na hindi niya nae-experience ang ganitong size. Pero during her payat days, size 6 raw siya at nagpa-panic na kapag nagiging size 8 siya.

 

Puring-puri naman ng netizens si Sharon at nagiging inspirasyon ngayon, lalo na ng mga matataba.

 

So yun na nga, tinatawag na “hot” si Sharon ngayon at dahil nabanggit nito na parang gusto niyang gayahin ang mga pose ni KC, may nag-comment na mas hot pa raw si Sharon sa anak, lalo na nga at ito ang original.

 

Sinagot ito agad ni Sharon ng ‘wag naman at baka magtampo.

 

***

 

ITINULOY pa rin ng Kapamilya actor na si Ejay Falcon ang taunang pagtulong o pagbibigay niya sa mga kababayan niya sa Mindoro.

 

Nakita namin nang mag-post ang girlfriend ni Ejay na si Jana Roxas nang naging gift-giving nila. Kaya kinamusta namin si Ejay. Nakauwi na raw sila ngayon mula sa Mindoro kunsaan, doon sila nag-New Year kapiling ang pamilya ni Ejay.

 

Dalawang beses pa lang nakakauwi ng Mindoro si Ejay mula ng magkaroon ng COVID-19. Nakauwi raw siya noong medyo nagluwag ng August at ngayon ngang New Year, kaya mas meaningful pa na nakasama niya ang pamilya niya.

 

Taunang ginagawa ni Ejay ang pagsi-share ng blessing sa mga kababayan. May sampung taon na ito at una niya itong ginawa nang makalabas siya ng PBB House. Ayon kay Ejay, masaya siya na kahit na sabihin pang may pandemya, nakapag-share pa rin daw siya kahit paano ng blessing.

 

Dalawang baranggay ang nabigyan niya at wish niya na yearly, madagdagan pa ito. Mga matatanda at bata ang naging recipients ngayon. Nanghihinayang lang ito na hindi niya nagawa ngayon ang paliga niya ng basketball para sa mga kabataan.

 

“Yearly kasi, hinihintay nila yun, inaabangan nilang talaga. Kaso, talagang hindi pa raw allowed. Pero sana this year, kahit hindi Christmas o New Year, maituloy pa rin namin.”

 

Natatawa na lang si Ejay at nagugulat pa rin kung may nag-iisip man na kaya niya ginagawa ang pamimigay at pagpapaligaya sa mga kababayan ay sa dahilang may plano siyang tumakbo sa pulitika in the future.

 

Sabi nga niya, “Bakit nila iisipin yun, paglabas ko pa lang ng PBB, ginagawa ko na ‘to. Yung bata ko no’n, maiisip ko ba pulitika. Masarap lang makita ang mga nangangailangan na masaya, nakakatawa para salubungin ang bagong taon.”

 

Sa isang banda, tuloy-tuloy rin naman ang mga proyekto ni Ejay bilang Kapamilya. May book 2 ang Paano ang Pasko? at mapapanood din siya sa MMK with Arci Munoz ngayong January A2Z channel at ginagawa na rin niya ang historical film na Balangiga1901.

Other News
  • CELEBRATE NATIONAL PINK DAY WITH “BARBIE” ON JUNE 23

    Get ready to see PINK!     Barbie has a special surprise for National Pink Day on June 23. In celebration of this day, Warner Bros. is unveiling something pink in the following malls across Metro Manila – SM North EDSA, Trinoma, Robinsons Magnolia, SM Megamall, Uptown Mall and SM Mall of Asia, along with […]

  • Thompson hinirang na PBA MVP

    KAGAYA ng inaasahan, na­pasakamay ni guard Scottie Thompson ng Barangay Ginebra ang Most Valuable Player trophy ng PBA Season 46 kahapon sa The Leo Awards.     Kumolekta ang 28-an­yos na produkto ng Perpe­tual Altas ng 2,836 points pa­ra maging ikalawang Gi­nebra player na nagwagi ng MVP matapos si Marc Ca­guioa noong 2012.     […]

  • Sec. Roque, hindi nagkaroon ng closed contact sa apat na staff nito na nagpositibo sa Covid-19

    TINIYAK ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang naging naging close contact sa kahit na kaninuman sa kanyang apat na staff na nagpositibo sa Covid-19.   Aniya, naka-skeleton workforce na ang lahat ng mga nagtatrabaho sa kanyang opisina o sa Office of the Presidential Spokesperson.   Sa katunayan aniya ay sinabi ng kalihim na […]