• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diokno: Aayusin ni Robredo ang pandemya

KUMPIYANSA  si senatorial aspirant at human rights lawyer Chel Diokno na maaayos ni Vice President Leni Robredo­ ang mga problemang dulot ng COVID-19 kapag siya ang nanalong pangulo sa darating na halalan sa Mayo.

 

 

Idinagdag pa ni Diokno na malaki ang maitutulong ng panukala niyang Pandemic Management Council (PMC) para maresolba ng Bise Presidente ang mga negatibong epekto ng pandemya.

 

 

Isusulong ni Diokno ang paglikha ng PMC bilang kapalit­ ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kapag siya’y nahalal­ sa Senado.

 

 

Maliban sa pagtugon sa COVID-19, ang panukalang PMC ang magpaplano at tututok sa iba pang outbreak ng iba pang malalang sakit sa bansa.

 

 

Kapag nanalong Senador, isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang nilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan.

Nais din niyang magtatag ng isang independent commission na mag-iimbestiga sa mga pag-abuso na ginawa ng mga awtoridad, para maiwasan ang cover-ups at matiyak na maparurusahan ang mga alagad ng batas kapag lumabag sila sa batas. (ARA ROMERO)

Other News
  • PBA players kailangan pa rin ng Gilas Pilipinas

    Naniniwala si dating Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag na kakailanganin pa rin ng Gilas Pilipinas ng ilang veteran PBA players sa 2023 FIBA World Cup.     Masaya si Alapag sa impresibong ipinamalas ng bagitong Gilas squad sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan winalis nito ang lahat ng tatlong laro kabilang […]

  • Kahit nalungkot sa ‘kawalan ng respeto’: ICE, masaya dahil malaya na ang ‘Dabarkads’ kaya sulong lang

    SA Instagram post ni Ice Seguerra noong Miyerkules, nagpahayag ito na hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa producer ng ‘Eat Bulaga!’ na TAPE Incorporated.     Sa panimula ng Asia’s Acoustic Sensation, “Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya?     “Malungkot […]

  • Mas masaya ang Pasko at Bagong Taon ng pamilya: DINGDONG at MARIAN, parehong may patikim na sa bagong ‘home sweet home’

    MAS masaya ang Pasko at Bagong Taon ng pamilya Dantes.     Nag-post na pareho ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng ilang bahagi ng kanilang bagong bahay.     Kahit hindi pa namin nakikita ang kabuuang bahay, hindi pa man ito itinatayo ay alam na namin kung gaano kabongga ang dream house ng […]