Diokno, ipinagkibit-balikat ang panawagan na magbitiw sa puwesto, binati ang mga kritiko ng “Have a wonderful weekend!”
- Published on September 18, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAGKIBIT- balikat lang ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno ang panawagan ng grupo ng mga magsasaka na magbitiw sila sa puwesto ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.
Ang apela ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ay matapos na ipanukala nina Diokno at Balisacan na tapyasan ang tariff rate sa rice imports bilang tugon sa sumirit na presyo ng mga pangunahing pagkain.
Sa halip na mapikon ay binati ni Diokno ang kanyang mga kritiko ng “Have a wonderful weekend!”
Si Diokno, kasama ng Pangulo sa Singapore, ay piniling huwag patulan ang panawagan sa kanila ni Balisacan na umalis sa puwesto.
Nauna rito, sinabi ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet sa isang kalatas na “Today, we stand together to oppose, in the strongest terms, the efforts of Secretaries Diokno and Balisacan to serve the death sentence on rice farmers and other industry stakeholders by cutting or eliminating tariffs – our last refuge.”
“The petition at hand is not for the welfare of consumers. Any claims about consumer benefits are at best, debatable. In reality, they are doormats to a sinister agenda. The rice farmers are the intended victims of the petition,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, sinabi ni Diokno na inirekomenda ng economic team ang pansamantalang pagbabawas sa kasalukuyang 35% rice import tariff rates para tugunan ang tumataas na presyo ng bigas.
“The proposed reduction would range from zero percent to 10 percent for both ASEAN and the most-favored nation (MFN),” ayon kay Diokno.
Tinuran naman ni Balisacan na kinokonsidera ng pamahalaan ang pagbabawas sa import tariffs para sa bigas bilang hakbang para tugunan ang tumaas na presyo ng pangunahing pagkain.
Nanawagan naman si Balisacan ng masusing pag-aaral para sa 35% na taripa sa bigas para magawang matapyasan ang consumer costs habang kinokonsidera ang epekto sa local producers.
“To partially counterbalance the rise in global prices and alleviate the impact on consumers and households, we may implement a temporary and calibrated reduction in tariffs,” ang pahayag ni Balisacan.
Nito lamang Agosto, tumaas ang inflation rate para sa bigas ng 8.7% mula sa 4.2% noong Hulyo bunsod ng lower grain output dahil sa El Niño at export bans na ipinatupad ng mga pangunahing rice exporters gaya ng India at Myanmar. (Daris Jose)
-
“BABYLON” NABS 5 GOLDEN GLOBE NOMS INCLUDING BEST PICTURE
DIRECTOR Damien Chazelle’s Babylon, the lavish and provocative epic tale about early Hollywood has just received five Golden Globe nominations including Best Motion Picture – Musical or Comedy. [Watch the film’s “Welcome to Babylon” featurette at https://youtu.be/hyoj0bML6Z8] Three of its principal cast members scored major acting nominations: Best Actress for Margot Robbie (as […]
-
Kahit pareho na silang nagdidirek sa serye: GINA, inaming takot na takot din kay Direk LAURICE
THIS time ay artista muli si Gina Alajar at hindi direktor sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ ng GMA. At ang direktor niya sa naturang GMA series ang kapwa niya actress/director na si Laurice Guillen. Mas kumportable ba o naalangan si Gina kapag ang direktor niya ay kapwa rin niya actress/director tulad ni Laurice? […]
-
14 years na overstaying na Indian national, inaresto ng BI
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying na Indian national na gumagawa ng illegal na trabaho sa Kidapawan City. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang Indian national na si Kevin D’Souza na inaresto matapos na walang naipakitang pasaporte habang iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP). “During interview, he told the […]