• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diokno, Medalla, Pascual, Bonoan kinuha rin bilang bahagi ng BBM administration

TATLO  pang magiging miyembro ng gabinete ng incoming administration ang inanunsiyo ngayon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Kinumpirma ni Marcos na kanyang magiging Trade secretary si Alfredo Pascual isang international development banker, finance expert at dating naging presidente ng University of the Philippines System

 

 

Pinangalanan din ni Marcos ang kasalukuyang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor na si Benjamin Diokno na malilipat sa Department of Finance.

 

 

Ang termino sana ni Diokno ay sa July 2023 pa.

 

 

Ipapalit naman sa kanya upang punan ang termino sa BSP ay ang kilalang ekonomista at propesor na si Felipe Medalla.

 

 

Si Medalla ay dating Socio-Economic Planning secretary at director-general ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

 

 

Habang si Engr. Manuel Bonoan ang pinili naman ni Marcos bilang susunod na DPWH secretary.

 

 

Si Bonoan ay ang kasalukuyang presidente ng operations and management companies ng Skyway, NAIAX, SLEX at STAR.

 

 

Dati na ring naging undersecretary noon sa DPWH si Bonoan.

 

 

“I know the economic team si critical and that is what the people are looking too. I think we have found the best people who are able to look forward and to anticipate what the conditions will be for the Philippines and the coming years,” ani Marcos sa isang panayam.

 

 

Kinumpirma rin naman ni Marcos na inalok niya na maging bahagi rin ng gabinete si Rep. Rodante Marcoleta at UP Professor Clarita Carlos pero hindi pa rin daw nakakapagdesisyon ang mga ito. (Daris Jose)

Other News
  • PNP: Seguridad sa Holy Week plantsado na

    ILANG araw bago ang Semana Santa, handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) para sa pagbibigay ng seguridad ng mga biyahero at namamanata.     Sinabi ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na inatasan na niya ang kanyang kapulisan na tutukan ang public safety at law enforcement operations simula sa Abril 10-17.     Paalala […]

  • May iri-reveal pa sa part 2 ng interview: PAOLO, napaiyak ni BOY nang tanungin tungkol sa tatlong anak

    INIYAKAN ni Kapuso actor Paolo Contis ang interview sa kanya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa mga anak niya sa previous marriage niya, kay Lian Paz, na may dalawa silang anak, sina Xonia, 12 at Xylene, 11.       Inamin ni Paolo na matagal na siyang walang […]

  • $750-M loan para sa sustainable recovery ng Pinas, oks sa World Bank

    INAPRUBAHAN ng World Bank ang $750-M loan para sa Pilipinas para palakasin ang “environmental protection at climate resilience’ lalo na ang target na renewable energy at tumulong na mabawasan ang panganib ng climate-related disaster.     “The US$750 million Philippines First Sustainable Recovery Development Policy Loan (DPL) supports ongoing government reforms to attract private investment […]