• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DIREK ERIK, excited nang simulan ang kanyang first period film na ‘Bonifacio’

MAY hindi pa ba tayong hindi alam sa kwento ni Andres Bonifacio na hindi natin nabasa sa mga history books o napanood natin sa pelikula?

 

Isang malaking pelikula na legacy project tungkol kay Bonifacio ang ipoprodyus ng Regal Entertainment ngayong 2021, na pamamahalaan ni Dondon Monteverde.

 

Ayon kay Mr. Monteverde, sisimulan ang shooting ng pelikula sa unang quarter ng 2021 at ito ay ididirek ni Erik Matti.

 

Ayon kina Monteverde at Matti, ang bagong movie tungkol kay Bonifacio ay naglalaman ng mga bagong detalye sa makulay na buhay ng fallen hero.

 

“Alam naming na ang buhay niya ay isa sa most written at marami na rin nagsapelikula nito pero ipinapangako namin na sa aming pelikula ay mas marami revelations about Bonifacio na ngayon lang matutuklan,” pahayag ni Monteverde.

 

Para kay Matti, batid niyang isang malaking hamon ang paggawa ng Bonifacio.

 

“Nang marinig naming ang mga detalye sa buhay ni Bonifacio na ngayon lang namin nalaman, naging interesado kami ni Dondon. Gusto namin ibahagi ang kwento na hindi namin alam.

 

“Gusto namin itong ikwento hindi para maiba o kontrahin ang historical facts na alam natin tungkol sa Katipunan kundi gusto namin mag-prisinta ng ibang side sa kwento na bagamat hindi naman magbabago sa nakasulat sa history books kundi gumawa ng isang magandang kwento na pampelikula whether pagdedebatehan ito matapos mapanood,” dagdag pa ni Matti.

 

Nang ipresinta raw sa kanila ang idea na gumawa ng bagong Bonifacio film, marami raw silang naging tanong, sabi ni Matti, bago sila napapayag na ituloy ang movie.

 

“Handa ba kami na gawin ito. Kaya ba naming i-recreate ang 1890s kung ano talaga ang vision nito? May ibang anggulo pa ba kay Bonifacio na hindi pa naituro sa eskwela at hindi pa natalakay sa ibang Bonifacio film na ginawa dati pa?

 

“Is another Bonifacio movie worth telling?Is another Bonifacio movie still relevant to the year 2021?

 

Ayon pa kay Matti, excited na raw siya sa paggawa ng una niyang period film, gayundin sa pag-recreate ng mundo nooong 1890s at kung paano ang pamumuhay ng mga tao.

 

Sabi pa ng director, marami beses na raw siyang inalok na gumawa ng period film in the past pero lagi siyang may dahilan para tanggihan ang mga ito.

 

“In a historical piece, especially with a biography of a famous personality that’s heavily documented, it is not just about telling the story right. It’s not a book. It’s a movie. Ang main challenge ay kung paano mo bubuuin ang kwento sa time and setting na sa tingin mo ay magugustuhan ng audience ang kwento bilang filmmaker.

 

“Ang paggawa ng isang historical movie ay kasinghirap o mas mahirap pa sa paggawa ng isang science fiction movie,” sabi pa ni Matti.

 

Ito raw ang nakatatakot kaya tumatanggi Matti sa paggawa ng isang period film. Dapat daw maging handa siya sa pagbuo ng isang mundo na higit pa sa pag-imagine tungkol dito kundi dapat din niyang maipasok ang lahat ng historical facts at ipakita kung ano ang tunay na buhay noong panahon na iyon.

 

“Period films are not just about story. It is about transporting the audience to a world that would offer them discoveries of how it was then.

 

“Now, I think I am ready to face those fears. We are ready to work hard on knowing the facts and be ready too to make a piece of cinema that’s worth experiencing without the feeling of being lectured on it.” (Ricky Calderon)

Other News
  • Pagnanakaw sa bayan sakit na kailangang gamutin – Bong Go

    Ikinumpara ni Senador Bong Go ang walang pakundangang pagnanakaw sa kaban ng bayan sa isang sakit na kailangang gamutin at gawan ng preventive measures.   Kaya nga, agad na bumuo task force si Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang malaman nito ang mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth.   Sinabi ni Go na walang puwang sa […]

  • Press Sec. Trixie, nagbitiw sa tungkulin

    NAGBITIW na sa kanyang tungkulin si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles dahil sa medical reasons.     Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na  naghain ng kanyang resignation letter si Cruz-Angeles ngayong araw ng Martes, Oktubre 4.     “We’re  still in the process of helping the Office address her resignation today. […]

  • Ensayo ng PBA tuloy na sa pagbabalik sa GCQ level sa NCR

    Wala ng makakapigil pa sa mga koponan sa PBA na magpatuloy ng kanilang ensayo sa susunod na linggo.   Kasunod ito sa pagbabalik ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ).   Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na sa darating na Agosto 25 ay posibleng maisagawa na ang mga ensayo.   Mahigpit din nilang […]