Direk JOEL, inaming nag-Vivamax dahil kailangan ng pera
- Published on June 17, 2024
- by @peoplesbalita
BAGONG Vivamax project ng mahusay na direktor na si Joel Lamangan ang ‘Sisid Marino’.
Mga artista sa movie sina Julia Victoria, Ataska, Jhon Mark Marcia, Cariz Manzano at Yda Manzano.
Isa sa natanong kay Joel ay kung ano ang kaibahan na gumawa ng pelikula noong dekada otsenta-nubenta kumpara sa panahong kasalukuyan.
“Parang gusto niyong gumawa ako ng libro,” ang kuwelang umpisang hirit ni Joel.
“Napakalaki ng diperensiya. Iba ang pelikula noong mga unang panahon.
“Noong unang panahon gumagawa ka ng pelikula na nagre-reflect ng isang partikular na katotohanan, ngayon gumagawa ka ng pelikula na nagre-reflect ng ka-L-an ng mga tao.
“L, mga ka-L-an, mga L, sa Vivamax, walang ganoon noong araw.
“Kaya ang mga pelikulang nagawa ko noong araw ay sinasabi nilang socially-oriented because they depicted the truth of that particular time.
“Well ito namang Vivamax it also reflected the truth of particular characters of our society kaya lang mayroong tendency to show intimate scenes na kailangang-kailangang sa isang konsepto ng Vivamax,“ paliwanag pa ni Joel.
Natanong naman ang premyadong direktor kung ano ang sekreto niya at sa kabila ng maraming panahon ay nananatili siyang aktibo at tinitingalang direktor sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Pakli ni Joel sa nagtanong na member ng media, “Parang sinasabi mo ang tanda-tanda ko na.
“Ano ba ang sekreto? Wala namang sekreto. Ang sekreto e kumapit ka lang nang kumapit. Kumapit ka, lasapin mo ang lahat ng karanasan at matuto ka sa lahat ng karanasang nasapit mo.
“At huwag mo nang gagawin ulit ang karumal-dumal na ginawa mo, ayusin mo ang propesyon mo, tingnan mo ang pelikula bilang isang kultura, bilang isang sining at bilang isang repleksyon ng ating society, hindi lamang upang kumita ng pera.
“Pero ito, kinuha ko dahil sa pera,” prangkang pagtukoy ni Joel sa ‘Sisid Marino.’
“Kailangan ko datung, kailangan talaga!
“Pero iyan naman kasi ang pamantayan ng panahon, mahirap kasi ang pera ngayon, wala nang nagpoprodyus talaga. Wala nang nanonood ng sine, di ba?
“So ang Vivamax ang nandiyan di kakapitan mo rin iyon. Pero dapat pag-aaralan mo kung ano ang mga ibinibigay sa iyo ng Vivamax na leksyon para magamit mo sa buhay mo.
“Bakit ako nagtatagal? Dahil kailangan pa ako. Siguro pag hindi na ako kailangan mawawala na ako, di ba? E may kumukuha pa rin sa akin, ano?
“Kahit saan ako pumunta may kumukuha pa rin sa akin so alangang tanggihan ko nang tanggihan. Hindi ako kumawala, kumapit ako nang mahigpit dito at hanggang ngayon nandito pa rin ako.
“Karamihan ng mga kasabay ko… ay, huwag na lang natin silang pag-usapan!”
Dating artista sa teatro si Joel bago kinuhang direktor ng Viva Films.
Lahad ni Joel, “Nag-umpisa ako sa PETA, nag-training ako kay Lino Brocka, hanggang sa naging direktor ako sa PETA, naging direktor ako sa TV, kinuha ako ng Viva.
“Kasi ako ang unang direktor ng Viva Drama noong araw tsaka Viva Spotlight. Okay? So nung nagkaroon ng pagkakataon na gumawa ako ng pelikula… sabi ni Boss Vic, ‘Sino ang makakagawa ng Darna’, pagtukoy ni Joel kay Vic del Rosario ng Viva Films.
“October na iyon na tatapusin mo by first week of December, taas-kamay ako. Iyon pala tinanggihan na ng lahat ng direktor!
“Kasi baka hindi makuha, e ang lakas ng loob ko natapos ko, doon ako nag-umpisa.”
Kung papipiliin siya, kung artista o direktor, ano si Joel Lamangan?
“Artista’t direktor,” ang mabilis na sambit ni Joel. “Puwede mo namang pagsabayin yung dalawa. Kaya sa ‘Batang Quiapo’ artista lang ako, hindi ako nakikialam.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Hindi lamang dahil sa dalawang medalyang ginto: Manong CHAVIT, may reward na P5M kay CARLOS para sa unity ng family at ni CHLOE
MAGBIBIGAY din ng gantimpala o reward ang kilalang business magnate na si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson ng ₱5M (Five Million) pesos sa world-class gymnast at 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at sa pamilya. Ayon pa kay Manong Chavit, “the reward shall be accepted by the Yulo […]
-
Kaso ng pertussis, tigdas lumobo – DOH
HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna matapos ang biglang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng pertussis o ubong dalahit at measles o tigdas sa bansa. Sa datos ng DOH, sa unang 10-linggo ng nakalipas na mga taon ay mababa lamang ang naitatalang mga kaso ng pertussis. […]
-
Tennis star Kei Nishikori, umatras sa US Open tune-up matapos dapuan ng COVID-19
Inanunsyo ni Japanese tennis star Kei Nishikori na umurong na ito sa lalahukan sanang tune-up tournament sa New York makaraang magpositibo sa COVID-19. Ito’y dalawang linggo bago magsimula ang US Open sa Agosto 31. Ayon sa dating world No. 4, nananatili ito ngayon sa IMG Academy sa Bradenton, Florida, at hindi na rin […]