DIREK MARK, tatahi-tahimik lang sa biggest project ng Kapuso Network; na-excite ang netizens sa teaser ng ‘Voltes V(Five) Legacy’
- Published on January 18, 2021
- by @peoplesbalita
NA–EXCITE agad ang netizens nang biglang maglabas ang GMA Network ng official “Voltes V(Five) Legacy” teaser.
Post pa nila sa GMA Facebook: #VoltesVLegacy: Brace yourselves for the Boazanian invasion and LET’S VOLT IN!
Tatahi-tahimik lamang si Director Mark Reyes sa pinakamalaking project na mapapanood ngayong 2021 sa Kapuso Network pero nakagawa na pala siya ng teaser nito.
Noon kasing tinanong siya kung sinu-sino among the Kapuso stars ang bubuo sa cast ng Voltes V Legacy, matipid lamang niyang sagot ay “nagpapa-audition pa kami” although ipinakikita na niya ang preparations na ginagawa niya at ng kanyang team.
Kaya ready na ba kayo? Wait na lamang tayo ng susunod na announcement ng GMA Network kung kailan talaga mapapanood ang Voltes V Legacy at kung sinu-sino ang bubuo sa cast nito.
***
TAPOS na ang lock-in taping ni Mylene Dizon at cast ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa isang resort-hotel sa San Mateo, Rizal, naikuwento niya sa isang interview na may advantage at disadvantage din naman ang ganitong procedure sa pagti-taping.
“Ang advantage sa akin, hindi na ako bibiyahe every other day mula sa bahay ko sa Silang, Cavite to the location” sabi ni Mylene.
“Since araw-araw ang taping namin nina Ate Guy (Nora Aunor), Kyline Alcantara, Zoren Legaspi, Ina Feleo, Yasser Marta, at si Direk Laurice Guillen, lagi kaming in character at nasusundan namin ang story.
“Naging mas closer din kami at parang nakakuha ako ng isang bagong pamilya sa kanila.
“Iyon nga lamang, ilang araw kang malayo sa pamilya mo, tulad ko na-miss ko ang dalawa kong anak, sina Tom at Lucas at ang partner ko (Jason Webb).
“Nang matapos na ang taping namin at nakabalik na ako sa bahay, hindi ko pa rin mayakap ang pamilya ko, dahil kailangan ko munang mag-quarantine bilang pagsunod sa health protocols. “Pero okey din naman dahil bago ang lock-in taping, lahat naman tayo ay nag-enjoy makasama ang pamilya natin dahil lockdown tayo, wala tayong trabaho at walang classes ang mga anak ko, sama-sama kami sa bahay, naipagluto ko sila ng pagkain, na dati hindi ko nagagawa dahil nga I’m working.” Kasalukuyan nang napapanood araw-araw sa GMA-7 ang mga fresh episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit, 4:15PM after Prima Donnas.
***
NAG-TRENDING sa social media ang pagdi-display ni Kapuso actress Andrea Torres ng kanyang toned abs sa kanyang Instagram last January 13.
Isang sun emoji lamang ang caption ni Andrea sa photo pero hindi napigilang mag-comment ang mga followers niya.
Nagagawa naman ni Andrea na ikondisyon ang sarili niya, kahit naka-lock-in taping sila ng cast ng Legal Wives, kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson, at Bianca Umali na very soon ay mapapanood na rin sa GMA Telebabad.
Mas may oras kasi siya kung hindi siya kasamang kinukunan sa eksena. (Nora V. Calderon)
-
Mga aktibidad sa Chinese New Year, kanselado sa Maynila
WALA na ring magaganap na anumang kasiyahan at aktibidad sa darating na Chinese New Year sa Maynila bilang bahagi pa ng pag-iingat na magkahawaan ng COVID-19. Kabilang sa mga ipinagbawal ni Manila City Mayor Isko Moreno ang tradisyunal na mga parada, lion at dragon dance, pagsisindi ng mga paputok sa kalsada, street parties, […]
-
Onyok bibigyan ng Malacañang ng P500K
Kung hindi pa siya naglabas ng sama ng loob ay saka pa lamang maaaksyunan ang kanyang reklamo. Bibigyan ng Office of the President si 1996 Olympic Games silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. ng cash incentive na P500,000 para sa kanyang naibigay na karangalan sa bansa. Si Senate Committee on Sports […]
-
VCMs at mga balotang gagamitin sa May 9 polls, nai-deliver – Comelec
NAI-DELIVER na sa lahat ng polling precincts ang mga vote counting machines (VCMs) at official ballots na gagamitin sa May 9 elections. Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na maliban sa mga VCMs at balota ay naipadala na rin ang mga ballot boxes, Broadband Global Area Network at Consolidated Canvassing System (CSS) kits […]