• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direk ROMAN, aminadong nagulat sa pagiging palaban ng dalawa: VINCE at CHRISTINE, may kakaibang ginawa sa ‘Siklo’ na ‘di kakayanin nina AJ at SEAN

PASABOG agad ang unang Vivamax Original movie ng 2022, ang Siklo ay isang sexy-action-thriller na unang pinagbibidahan nina Vince Rillon at Christine Bermas.

 

 

Kwento ito ni Ringo (Vince), isang delivery rider na mahuhulog sa pinagbabawal na pag-ibig sa isa sa kanyang mga customer, si Samara (Christine).

 

 

Si Samara ay isa ring kabit ni Pastor Boy (Joko Diaz), na isang lider ng religious group na mandarambong at ginagamit ang mga nananampalataya nito upang lokohin at kuhanan ng pera.

 

 

Matutuklasan ni Pastor Boy ang namamagitan kay Ringo at Samara at susubukan niyang sirain ang mga buhay nito sa pagdawit ng pangalan ni Ringo sa kanyang mga iligal na transaksyon, at  sa pananakit nito kay Samara.

 

 

Sasakay sina Ringo at Samara sa motor ni Ringo at tatakas upang subukang magsimula ulit ng bagong buhay, lingid sa kaalaman nila ay natangay pala nila ang mga perang ninakaw ni Pastor Boy mula sa relihiyon nito.

 

 

Tutugisin at hahanapin ang magkasintahan at mas manganganib pa ang kanilang buhay dahil kay Amang Pablo, ama ni Pastor Boy at ang pinaka lider ng kanilang pekeng relihiyon.

 

 

Ang pelikulang ito ang unang lead role ng next important stars na sina Vince at Christine para sa Vivamax, at pinatunayan nilang dalawa na may ibubuga sila pagdating sa pag-arte para sa mga intense at maaksyon na eksena.

 

 

Siguradong mas makikita pa ang husay nila sa pag-arte sa pagbida nila sa iba pang Vivamax Original Movies at mga pelikula mula sa mga award-winning directors.

 

 

Una nang nagkasama sa isang BL (Boys’ Love) movie sina Vince at Christine. Ito ay sa direction ng multi-awarded director na si Brillante Mendoza at pinagbibidahan din ni Paolo Gumabao – ang Sisid na malapit na ring ipalabas sa Vivamax.    Magpapasiklab din ng kanilang kaseksihan si Ayanna Misola, fresh sa success ng Pornstar 2 at artist-vlogger na si Rob Guinto.  Makakasama rin nila sina Alma Moreno, Joonee Gamboa, Andrew Muhlach, Axel Torres, Quinn Carillo, Massimo Scofield, Soc Jose, Angie Castrence, Tabs Sumulong, Ronal Moreno, at Lara Morena.

 

 

Mula sa Viva Films, ang Siklo at pelikula ni Roman Perez Jr., direktor ng ibang pang kilala at trending na mga Vivamax Original Movies na Taya at The Housemaid. Siya rin ang direktor ng 2019 erotic thriller movie na Adan.  

 

 

Inamin ni Direk Roman na hangang-hanga siya sa pagiging palaban ng dalawang bida, na kahit siya ay nagulat sa mga ginawang eksena nina Vince at Christine dahil game na game sa mga sexy scenes.

 

 

Bagay na dapat daw abangan sa movie, at alamin kung ano yun na hindi kayang gawin nina AJ Raval at Sean de Guzman.

 

 

Ituloy ang pag-celebrate ng bagong at kumapit ng mahigpit at sumama na sa kakaibang byahe ng Siklo, na ayon pa sa hinahangaang direktor, na kahit fictional characters and story ay tiyak na may mga tatamaan sa mapangahas at matapang na tema na mapapanood na sa Vivamax sa January 7, 2021.

 

 

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.

 

 

Mapapanood rin ang Siklo sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, mapapanood na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.

 

 

Ang Vivamax ay mapapanood na sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.  Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Gobyerno, handang tulungan ang mga Pinoy sa Taiwan –PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga manggagawang Filipino sa Taiwan na handa ang gobyerno ng Pilipinas na tulungan at suportahan ang mga ito ngayong “difficult times” kasunod ng malakas na lindol na tumama at yumanig sa isla, araw ng Miyerkules.       “We stand ready to assist and support our fellow […]

  • Voters Registration, idinaos sa Kampo

    IDINAOS noong Lunes ng Commission on Elections (Comelec) ang kauna-unahang voter registration sa loob ng Camp Darapanan at Camp Abubakar ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) . Pinangunahan ng mga opisyal ng Comelec sa pamumuno nina chair George Garcia at Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr.ang pagbubukas ng dalawang araw […]

  • Tradisyunal na pag- oobserba ng darating na Kuwaresma, malaki ang maitutulong para mapababa ang naitatalang kaso ng COVID – Malakanyang

    HINILING ng Malakanyang sa mamamayang filipino na gawin ang tradisyunal na pag- obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito kasi ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo.   Ayon kay Sec. Roque, malaking bagay ito […]