• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direktiba ng DoJ na imbestigahan na ang iligal na importasyon ng covid vaccine, natanggap na ng NBI

Natanggap na ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit ang direktiba ng Department of Justice (DoJ) na umpisahan na ang imbestigasyon sa hindi umano otorisadong paggamit ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine dito sa bansa.

 

 

Inatasan nga ni Justice Sec. Menardo Guevarra si NBI Officer-in-Charge (OIC) Eric B. Distor na magsagawa na ng imbestigasyon sa napaulat na importation, sale, pag-aalok ng naturang gamot, distribution, administration at inoculation ng COVID-19 vaccines na hindi pa naman otorisado o rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas.

 

 

Kapag nakitaan ng ebidensiya, ang NBI na raw ang bahalang maghain ng kaukulang kaso laban sa lahat ng taong sangkot at napatunayang responsable sa iligal na importasyon ng mga bakuna.

 

 

Mahigpit din ang direktiba ng DoJ kay Distor na magsumite ng report kaugnay ng progress ng imbestigasyon at agad isumite sa mismong Office of the Secretary sa loob ng 10 araw.

 

 

Sa naturang order, hindi naman nabanggit ang Presidential Security Group na sinasabing nakatanggap ng bakuna.

Other News
  • Pinas, aangkat ng 21,060MT yellow, red onions para pigilan ang mataas na presyo

    MAY GO SIGNAL na ang  Department of Agriculture (DA) para sa importasyon o pag-angkat ng  21,060 metriko tonelada ng sibuyas para punan ang supply gap at pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng kalakal sa pamilihan.     Sa isang liham sa Bureau of Plant Industry (BPI)-licensed onion importers na may petsang Enero 6, […]

  • CHRISTOPHER, ni-reveal na kinatakutang idirek sa pelikula ni Direk OLIVE

    MAY ni-reveal si Olivia Lamasan sa kanyang interview with Toni Gonzaga na may isang aktor niyang kinatakutan niyang idirek sa pelikula at ito ay walang iba kundi si Christopher de Leon.     Nakatrabaho ni Direk Olive si Boyet sa 1996 drama film na Madrasta na first movie sa Star Cinema ni Sharon Cuneta.    […]

  • Riding-in-tandem na walang helmet, buking sa baril sa Malabon

    BINITBIT sa selda ang dalawang lalaki nang mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009) at RA 10591 (Comprehensive Law on […]