• March 31, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Disbarment complaint laban kay FPRRD, inihain sa SC

NAGHAIN  ng disbarment complaint ang pamilya ng mga bitkima ng extrajudicial killings o EJK laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan ng Korte Suprema, Enero 17.

 

Giit ng pamilya ng mga biktima ng EJK, bitbit ang mga plakards na walang karapatan at hindi karapat-dapat  na maging abogado ang dating pangulo.

 

Sinabi ng abogado na  si Atty. Vicente Jaime Topacio na siya ay anak ng peace consultants na si Agaton Topacio at Eugenia Magpantay na pinatay sa panahon ng Duterte administration.

 

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, hindi sila mapapagod na lumaban at hiiling  nila sa Kataas-taasang Hukuman na bigyan  ng dignidad ang kanilang pagkatao na magkaroon ng karapatan na magkaroon ng hustisya.

 

Maalala sa isang congressional hearing, sinabi ni Duterte na aakuhi niya ang ‘full responsibility’ sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

 

Sa rekord ng gobyerno, nasa humigit-kumulang 6,2000 drug suspect ang napatay sa police operations mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021 ngunit pinabulaanan ito ng human rights group  at sinabing ang bilang ay umabt sa higit 30,000 dahil sa unreported related killings. (Gene Adsuara)

Other News
  • DERRICK, first time nagpa-Pasko at magba-Bagong Taon sa Amerika kasabay ng pag-attend sa kasal ng ina

    HALOS lahat na ng ka-batch ni Lexi Gonzales sa StarStruck 7 ay nagkaroon na ng regular na teleserye.     Naghihintay na lang daw si Lexi sa pag-resume ng lock-in taping ng Love You Stranger sa January 2022.     “Akala kasi nila ayokong mag-lock-in taping. Hindi po totoo ‘yon. May teleserye na sana kami […]

  • Binash dahil nag-react din sa viral statement ni Ella: GISELLE, tinawag na ‘tanga’ ang mga nag-discredit sa People Power experience niya

    NAG-REACT din pala ang host/actress na si Giselle Tongi sa viral and controversial statement ni Ella Cruz na “History is like tsismis”.     Si Ella nga ang gumaganap bilang Irene Marcos sa pelikulang “Maid in Malañanang” ni Darryl Yap para sa Viva Films na ipalalabas this month na kung saan tungkol ito sa last […]

  • 14 DOTr projects na nagkakahalaga ng P1.6 trillion, nasayang dahil sa delays

    TINATAYANG 14 foreign-assisted Department of Transportation projects na nagkakahalaga ng P1.6 trillion ang nasayang dahil sa delayed implementation.     Makikita sa annual audit report ng Commission on Audit (COA) para sa DOTr taong 2021, ang mga proyektong ito ay tinamaan ng  mga sumusunod na problema gaya ng “change in project cost, procurement issues,budget and […]