• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Discaya tumaas trust rating

MULING nagkaroon ng pagtaas sa trust rating si Pasig City Mayoral candidate Sarah Discaya sa nakalipas na linggo kung saan karamihan sa mga sumagot sa survey ay naghahangad ng pagbabago sa liderato sa lungsod.

Sa resulta ng independent survey ng Pulso ng Lipunan, si Discaya ay nakakuha ng 44 percent suporta mula sa mga rehistradong botante, habang 46 percent si incumbent Mayor Vico Sotto na nakakuha ng 46 percent. Ayon sa mga taga-Pasig, may kakayahan si Discaya na mapabuti ang serbisyo sa lungsod dahil sa pagiging makatao at karanasan sa public service.

Sa isa pang independent poll survey, tumaas din ng 3% ang rating ni Discaya at nakapagtala ito ng 46%, mas mataas sa 43% ni Sotto.

Ayon sa parehong survey, ang pagtaas ng rating ni Discaya ay bunsod ng kanyang pagsusulong na matulungan ang mga underprivileged, pagkakaloob ng libreng gamutan, pangakong magpatayo ng mga bagong silid-aralan, magbigay ng libreng textbooks sa mga mag-aaral, at magpatayo ng modern hospitals para sa mahihirap na pamilya.

Ang pinakabagong independent survey ay ginawa noong March 4-8 kung saan nakakuha si Discaya ng 46% satisfaction rating habang ang trust ay 46.5 percent.

Lumitaw sa survey na karamihan sa suporta para kay Discaya ay mula sa mga mahihirap na komunidad at ordinaryong residente ng Pasig. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, pinayuhan ang publiko ng tamang pagtatapon ng medical wastes

    PiNAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na itapon nang tama at kung paano dapat itinatapon ang medical wastes.    “You might as well wait for the garbage men to look the garbage and balutin ninyo ‘yang mga ano ninyo, mga medisina ‘yong naturok na at saka ‘yong mga syringe, balutin ninyo, ibigay ninyo […]

  • Caloocan LGU, pinalakas ang partnership sa local cooperatives

    PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng Cooperative Development and Coordinating Division (CDCD), ang pagdiriwang ng taunang Cooperative Month ngayong Oktubre na may iba’t ibang aktibidad na nakahanay upang kilalanin ang mga kontribusyon ng mga kooperatiba sa paglago ng ekonomiya ng lungsod, tulungan sila sa mga kinakailangan para sa pagpaparehistro sa iba’t ibang […]

  • REESE WITHERSPOON PRODUCES INSPIRING TALE “WHERE THE CRAWDADS SING”

    BESIDES being an Academy Award®-winning actress, Reese Witherspoon is now also a powerhouse producer heading Hello Sunshine, her billion-dollar production company, whose first feature film is Where the Crawdads Sing, based on Delia Owen’s best-selling mystery novel.       [Watch the video in which star Daisy Edgar Jones and producer Reese Witherspoon  talk about the […]