• March 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Disqualification vs mga Tulfo, ibinasura ng Comelec

IBINASURA na ng Commission on Elections (Comelec) ang disqualification case na inihain laban sa ilang miyembro ng pamilya Tulfo, na kumakandidato sa nalalapit na 2025 National and Local Elections, sa pangu­nguna ng senatorial candidates na sina ACT CIS party list Rep. Erwin Tulfo at broadcaster na si Ben Tulfo.

Ang kautusan ay inilabas ng Comelec First Division, na siyang humawak ng petisyon.

Nagdesisyon umano ang Comelec First Division na ibasura ang petisyon dahil sa pagiging ‘insufficient in form’ nito.

Nabigo rin ang petitioner na magbigay ng kopya ng certificates of candidacy (COCs) ng mga respondents, na mahalaga anito upang maayos na maberipika ang mga kinakailangang impormasyon sa petis­yon.

Sa kanyang petisyon, sinabi ng petitioner na si Virgilio Garcia na ang mga respondents ay dapat na idiskuwalipika dahil sa pagiging mi­yembro ng isang political dynasty.

Sinabi naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na maaari pa ring maghain ang petitioner ng motion for reconsideration.

Bukod kina Cong. Erwin at Ben Tulfo, respon­dents din sa petisyon ang isa pa nilang kapatid na si Turismo party-list nominee Wanda Tulfo-Teo; ACT-CIS Rep. Jocelyn Pua-Tulfo, na asawa ni Sen. Raffy Tulfo; at si QC 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo, na anak naman nina Sen. Raffy at Rep. Jocelyn. (Daris Jose)

Other News
  • Pagmamahal at pagkakaisa ang mensahe ng pelikula: IMELDA, pinag-aralan talaga ni CLAUDINE kaya pinupuri ang pagganap

    NASAKSIHAN namin kung paano napuno na karamihan ay mga ‘loyalista’, ang tatlong sinehan ng SM Megamall sa ginanap na premiere night ng ‘Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.’ Kaya naman walang humpay ang pasasalamat ni Asia’s Sentimental Imelda Papin sa lahat ng sumuporta at tumulong sa kanya na nabuo ang biopic. Sayang nga lang at […]

  • Naging mabunga ang 2-day state visit PBBM ibinida pinalakas na ‘strategic partnership’ sa Vietnam

    NAKABALIK  na ng bansa si Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. kaninang madaling araw mula sa kaniyang dalawang araw na state visit sa Vietnam na nag resulta sa pagpapalakas pa ng strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa.     Ipinagmalaki ding ibinalita ng Pangulong Marcos na naging mabunga ang kaniyang biyahe dahil sa kaliwat kanang […]

  • MMDA nilunsad ang P300 M na command center

    NAGKAROON ng inagurasyon noong nakaraang linggo ang pinakabago at epektibong command at communications center ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bansa na siyang magiging “nerve center” sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.       Nagkakahalaga ng P300 million ang nasabing command center ng MMDA ayon kay MMDA chairman Don Artes.     […]