• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Distribusyon ng P1.7b halaga ng educational aid, matagumpay; ekstensyon, malabo

NAGING matagumpay ang distribusyon ng P1.7 bilyong halaga ng  educational aid  sa 713,916 benepisaryo.

 

 

“Yung ating educational assistance, una nakakatuwa po dahil kahit papaano po ay talagang naging successful po ‘yung anim na Sabado na pamamahagi natin ng ating educational assistance,”  ayon  Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Rommel Lopez.

 

 

“Ang atin pong napamahagi na ay P1.7 billion na po. ‘Yung atin pong naabot ng ating programang ito ng ating educational assistance ay umabot na po sa 713,916 students o beneficiaries,” dagdag na wika ni Lopez.

 

 

Malabo naman na palawigin pa ng departamento ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng programa.

 

 

Ang katwiran ni Lopez,  naubos na ng DSWD ang lahat ng inilaang pondo at gumamit na rin ito ng karagdagang budget.

 

 

Sa katunayan nga aniya ay  una nang naglaan ang DSWD ng P1.5 bilyong piso para sa educational assistance program.

 

 

Ngunit, sinabi ni  DSWD Secretary Erwin Tulfo na  mangangailangan pa sila ng karagdagang P200 milyong piso hanggang  P300 milyong piso para muling buksan ang  educational assistance program para sa mga  indigent students.

 

 

Ayon sa  Kalihim, hindi sapat ang P1.5-billion budget lalo pa’t umabot sa 2 milyon ang bilang ng mga estudyante na nagpa-rehistro para makasama sa programa.

 

 

Unang tinarget ng DSWD  na makapagbigay ng tulong sa  400,000 estudyante lamang sa buong bansa.

 

 

Sa ilalim ng  programa,  hanggang tatlong estudyante kada  indigent family ang makatatanggap ng P1,000 para sa mga  elementary students;  P2,000 para sa  high school students; P3,000 para sa senior high school students, at P4,000 para sa  college students o vocational courses.  (Daris Jose)

Other News
  • Pinas inaasahan na ang 194k doses ng Moderna ngayong Marso

    INAASAHAN ng Pilipinas na matatanggap na nito ang 194,000 doses ng Moderna’s COVID-19 vaccines sa buwan ng Mayo.     “It is expected to arrive, 194,000, most likely this coming May,” ayon kay , vaccine czar Carlito Galvez Jr.     Bahala na aniya ang National Immunization Technical Advisory Group kung anong priority group ang […]

  • Liderato ng Kamara, kinondena ang ginawang pagsuway ni VP Sara Duterte

    KINONDENA ng liderato ng Kamara ang ginawang pagsuway ni Vice President Sara Duterte sa rules ng kongreso sa ginawa nitong pananatili ng magdamag para samahan ang kanyang chief-of-staff.     Nagpahayag din ng pagka- alarma sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose Dalipe at Deputy Speaker David Suarez sa pagtanggi ni […]

  • EJ Obiena desididong magtapos ng kolehiyo

    DESIDIDO si Filipino pole vaulter EJ Obiena na tapusin ang kaniyang college degree sa University of Santo Tomas.     Sinabi nito na nagsusumikap pa rin siyang makuha ang diploma sa kursong Electronic Engineering.     Nag leave of absence muna ito para pagtuunan ng pasin ang kaniyang paglalaro sa pole vault.     Sa […]