Djokovic, nagpositibo sa coronavirus
- Published on June 25, 2020
- by @peoplesbalita
Nagpositibo sa coronavirus si tennis world number one Novak Djokovic.
Siya ang pinakahuling tennis player na nagpositibo sa nasabing virus kasunod nina Borna Coric, Grigor Dimitrov at Viktor Troicki.
Ang 33-anyos na si Djokovic ay siyang huling nakalaro ng kapwa Serbian player na si Troiki sa unang event ng Adria Tour competition sa Belgrade.
Magugunitang dahil sa pagpositibo ng ilang mga tennis players sa ay tuluyan ng kinansela ang nasabing torneo na inorganisa ni Djokovic.
Sinabi naman ni Great Britain tennis star Andy Murray na ang mga pangyayari na pagpositibo sa virus ng mga manlalaro ay dapat na ituring na isang aral habang tinawag naman ni Australian player Nick Kyrgios na ang paglalaro sa nasabing event ay isang “bone-headed decision”.
-
Student financial aid, sapat lang para sa 20% ng 2 milyong aplikante
SINABI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi lahat ng mga estudyante na lumagda sa educational assistance program ay makatatanggap ng cash aid. Ayon kay DSWD spokesperson Romel Lopez, ang aplikasyon para sa programa ay umabot na sa dalawang milyon subalit 20% lamang ng dalawang milyon o 400,000 estudyante ang […]
-
Hiling ng commuters group wag tataas sa P12 ang minimum fare
ISANG grupo ng mga commuters ang humiling sa pamahalaan na hindi dapat tataas sa P12 ang minimum fare sa mga pampublikong transportasyon jeepney kung papayagan man na magkaroon ng pagtataas ng pamasahe. Ito ang hiling sa pangunguna ni Elvira Medina, chair ng National Center for Commuter Safety and Protection, sa pamahalaan. […]
-
Libreng Sakay 24/7 operations sa EDSA Busway magsimula sa Dec. 1
INANUNSYO ng Department of Transportation (DOTr) na ang 24/7 na operasyon para sa libreng sakay sa EDSA Busway ay magsisimula sa Disyembre 1, 2022. Sa una, ang 24/7 na operasyon ng Libreng Sakay ay naka-iskedyul noong Disyembre 15. Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na inatasan ni Sec Jaime Bautista ang […]