• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Djokovic nagtala ng record sa kasaysayan ng tennis

NAHIGITAN na ni Novak Djokovic ang record ni retired tennis star Roger Federer sa may pinakamaraming Grand Slam singles na nilaro.

Nangyari ito matapos na talunin niya si Jaime Faria ng Portugal sa ikalawang round ng Australian Open sa score na 6-1, 6-7(4/7), 6-3, 6-2.

Ito na ang pang-430 na Slam contest ni Djokovic kung saan mayroong 429 lamang si Federer at 423 si Serena Williams.

Ang pagpasok ni Djokovic sa ikatlong round ay siyang pang-17 magkakasunod na taon na kaniyang naitala.

Kahit na matalo aniya ito ay labis na siyang nasisiyahan dahil sa nakapagtala na ito ng record sa tennis.

Susunod na makakaharap nito sa ikatlong round si Tomas Machac ng Czech Republic.

Other News
  • Bagsik ng Delta variant: Curfew hours sa NCR, papalawigin sa 6 na oras – MMDA chief

    Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mula sa apat na oras na curfew sa National Capital Region (NCR), ay asahang magiging anim na oras na ito.     Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos Jr., sa mga susunod na araw ay ilalabas nila ang bagong resolusyon kung saan nakasaad ang pinalawig na curfew […]

  • Paglaban sa Duterte 2022 pres’l candidate, magiging pahirapan – oposisyon

    Inamin ng panig ng oposisyon partikular ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magiging mahirap na kalaban sa 2022 national elections ang ieendorsong presidential candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Ito ay sa kabila umano ng tinatanggap na kritisismo ng Duterte administration sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.     Sinabi ni Office […]

  • NFA chief, 138 pa sinuspinde sa bagsak presyong bigas

    PINATAWAN ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension ang nasa 139 opisyal ng National Food Administration dahil sa bentahan ng rice buffer stocks.     Kasama sa mga suspendido sina NFA Administrator Roderico Bioco, Asst. Admin John Robert Hermano at iba pang regional manage­rs at warehouse supervisors.     Dahil dito […]