Djokovic nahigitan na si Federer sa may pinakamatagal na pagiging numero 1
- Published on March 10, 2021
- by @peoplesbalita
Nahigitan na ni Novak Djokovic ang record na hawak ni Roger Federer sa may pinakamaraming linngo na nanatili sa unang puwesto sa world ranking.
Umaabot na kasi sa 311 linggo na nananatili sa unang puwesto ang Serbian tennis star.
Nalagpasan na nito ang 310 na linggo na hawak ng Swiss tennis star.
Bago nito na naabot ang unang puwesto ay nahigitan niya sa puwesto si Rafael Nadal.
Sinabi ng 33-anyos na si Djokovic na pangarap na talaga niya noong bata pa na manguna sa ranking ng tennis sa buong mundo.
Unang naging numero uno sa ranking ay noong 2011 na siyang tinagurian bilang best player in tennis history.
Matapos ang panalo sa Australian Open noong Pebrero ay mayroon ng kabuuang 18 grand slam titles ito.
-
Provincial bus operators maghahain ng petisyon para sa fare increase
MAGHAHAIN ng petisyon ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) para sa pagtataas ng pamasahe ngayon linggo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon kay PBOAP executive director Alex Yague na ang mga operators ay hindi na nakakayanan ang mga tumataas ng presyo ng produktong petrolyo na kanilang […]
-
Rice price cap, binawi na ni PBBM
BINAWI na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. simula Oktubre 4, Miyerkules ang rice price cap. Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na ito na ang tamang panahon para i-lift ang rice price ceiling lalo pa’t namimigay na ng bigas ang pamahalaan. “Yes as of today’s we are lifting the price caps […]
-
El Niño mararanasan hanggang 1st quarter ng 2024 – PAGASA
ITINAAS na ng PAGASA ang El Niño watch sa bansa makaraang mabanaagan ng ahensiya na magiging mainit ang kundisyon sa klima na mararanasan sa iba’t ibang lugar sa susunod na mga buwan. Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Dr. Vicente Malano, PAGASA administrator na 55-percent ang probability na maranasan ng bansa […]