Djokovic umatras na sa pagsali sa Madrid Open
- Published on May 1, 2021
- by @peoplesbalita
Umatras na sa pagsali sa Madrid Open si World number one Novak Djokovic sa pagsali sa Madrid Open dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Sa kaniyang Twitter sinabi nito na hindi na muna ito maglalaro sa nasabing torneo na gaganapin sa susunod na linggo.
Huling lumaban ang 33-anyos na si Serbian tennis star sa Serbia Open noong nakaraang linggo kung saan nagtapos ito ng semi-finals.
Hindi natuloy ang 2020 Madrid Open noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic kaya nananatiling kampeon pa rin si Djokovic na nakuha ang titulo noong 2019.
Inaasahan naman ng mga fans na makakapaglaro ang Serbian tennis star sa Rome Masters at Belgrade Open sa susunod na buwan at sa French Open na magsisimula sa Mayo 30.
-
BANGKAY SA BAKANTENG LOTE SA TARLAC, NATUKOY NA
NATUKOY na sa pamamagitan ng DNA test ang natagpuang bangkay sa isang bakanteng lote sa Capas,Tarlac na si Normandie Pizarro na isang retirado nang Court of Appeals Justice . Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) makalipas ang halos dalawang buwan mula nang matagpuan ang bangkay . Ayon kay NBI OIC […]
-
P100 milyong frozen meat, agri-commodities nakumpiska
TINATAYANG nasa P100 milyong halaga ng frozen meat at agri-commodities ang nasamsam sa isinagawang joint raid ng mga tauhan ng Food Safety Regulatory Agencies ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse na na-covert na cold storage facilities sa Kawit, Cavite, iniulat kahapon. Ayon sa DA, nadiskubre […]
-
Sa kabila ng pandemya, tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko pangungunahan ng mga LGU
SA kabila ng kinakaharap na pandemya, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na handa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan. Sa ginanap na directional meet- ing kahapon na pinangunahan ni Domagoso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, […]