DOE, naghihintay ng ‘go signal’ mula sa Malakanyang para sa hydrogen exploration contracts
- Published on November 12, 2024
- by @peoplesbalita
HINIHINTAY ng Department of Energy (DOE) ang pagsang-ayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para simulan ang hydrogen exploration sa Pilipinas bilang bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap ng gobyerno para pagiba-ibahin ang energy sources.
Sa sidelines ng Stratbase ADR Institute’s Pilipinas Conference 2024, sinabi ni Energy Secretary Raphael P.M. Lotilla na ia-anunsyo ng DOE ang research activities sa oras na matanggap na nila ang ‘green light’ mula sa Presidential office.
“I don’t want to preempt the Office of the President from acting on it. Therefore, we will make the announcements when the President has approved it,” ang sinabi ng Kalihim.
Matatandaang, sinabi ng DOE na may anim na international firms at tatlong local firms ang nagsumite ng kanilang mungkahi para sa petroleum at hydrogen exploration sa Central Luzon.
Ayon sa 2024 Philippine Bid Round, mayroong tatlong panukala para sa isang lugar na designated bilang PDA-PH-1 at dalawang panukala para sa PDA-PH-2. ang aplikasyon na ito ay matagumpay na nakapasa sa first round ng assessments at magpapatuloy naman sa susunod na evaluation stage.
Sinabi ng departamento, na ang nasabing bidding round ay nakakamit ng mahalagang record para sa qualified applications sa predetermined areas, nalampasan ang resulta ng Philippine Energy Contracting Round (PECR) 5 noong 2015 at ang Philippine Conventional Energy Contracting Program (PCECP) mula 2018 hanggang 2019.
Idagdag pa rito, inanunsyo ni Lotilla noong nakaraang linggo na ang energy agency ay aktibong nakaugnay sa Ministry of Energy of Saudi Arabia kasunod ng kanilang memorandum of understanding (MOU), kabilang na ang probisyon para sa native hydrogen exploration, bukod sa iba pang usapin.
Idinagdag pa rin ni Lotilla na nagpahayag ang Saudi Energy Minister ng interest na imbestigahan ang native hydrogen ng Pilipinas, mayroong dalawang potential research na lugar na tukoy sa Zambales.
Isang framework sa pagitan ng dalawang bansa ang inaasahan na maisasapinal sa loob ng susunod na tatlong buwan.
Sa kabila ng hydrogen developments, ang MOU sa pagitan ng Saudi Arabia at Pilipinas ay “encompass petroleum derivatives, sustainable aviation fuel (SAF), and digital technology for electrical management and energy efficiency.” (Daris Jose)
-
Famy, Laguna Mayor Pangilinan pumanaw na matapos dapuan ng COVID-19
Pumanaw na ang alkalde ng bayan ng Famy, Laguna Mayor Edwin Pangilinan matapos dapuan ng COVID-19. Kinumpirma ito ng kampo mismo ng 53-anyos na alkalde. Ayon sa Public Affairs Office ng Laguna, dinala pa sa pagamutan ang alkalde noong Marso 15 dahi sa hirap itong huminga at noong araw din yun […]
-
2 bagong State-of-the-Art Buildings sa Valenzuela, itatayo na
SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang pagtatayo ng bago at modernized na Finance Center Building at Legislative and People’s Center Building kasunod ng isinagawang groundbreaking ng mga ito bilang sagot sa mga umiiral na isyu sa city hall. Ayon kay Mayor Gatchalian, napanssin niya ang […]
-
No. 40 top most wanted person ng PRO 3, nabitag ng NPD sa Valenzuela
NALAMBAT ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang isang lalaki na listed bilang No. 40 top most wanted ng PRO 3 sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni DSOU chief PLt. Col. Rommel Labalan ang naarestong akusado bilang si Bonifacio Clemente, 51, […]