• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOE, NIA tinintahan ang kasunduan para sa pagpapalawak ng renewable energy access

TININTAHAN ng Department of Energy (DOE) at National Irrigation Administration (NIA) ang isang memorandum of agreement na makapagbibigay ng mas malawak na access sa renewable energy sa bansa.

 

 

Sinabi ng  Presidential Communications Office (PCO), sa ilalim ng kasunduan,  gagamitin ng DOE  ang  “existing and under construction NIA irrigation facilities” kabilang na ang mga lugar na identified  at nakalista para sa future irrigation development projects,  para sa public consumption nang walang nakakompromisong operasyon.

 

 

Ang kasunduan ay nilagdaan ni Undersecretary Sharon Garin and Director Marissa Cerezo para sa  DOE at Engr. Eduardo Eddie Guillen para naman sa  NIA, present naman si Senior Deputy Executive Secretary Hubert Dominic Guevara.

 

 

“The agreement between DOE and NIA signified a crucial step forward in the pursuit of water security and sustainable resource management, which is aligned with the goals outlined in Executive Order No. 22, series of 2023,” ang nakasaad sa kalatas ng PCO.

 

 

Sa pamamagitan pa rin ng kasunduan, gagawin namang pormal ng dalawang ahensiya ang kanilang  partnership para palakasin ang  countrywide approach sa pag-develop ng  renewable energy resources alinsunod sa nilalayon ng bansa na makalikha ng  35% ng kuryente mula sa renewable energy sources sa taong  2030 at 50% naman sa 2040.

 

 

“As part of the strategic initiative, NIA’s irrigation water will not only help the agency to expand economically and generate additional fund for the operation and maintenance of its irrigation facilities while allowing the DOE to provide the public with better access to clean, reasonably priced energy source,” ayon sa PCO. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, inatasan ang DICT na payagan ang LGUs na i-adapt ang e-Gov system

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na payagan ang local government units (LGUs) na i-adapt ang e-Gov system bilang bahagi ng  digitalization initiative ng gobyerno.     Binigyan ng Pangulo ng direktiba si Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy habang nagdaraos ng sectoral meeting sa […]

  • National ID kikilalanin na sa lahat ng transaksyon

    NILAGDAAN  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine o National ID bilang sapat na katiba­yan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mapalakas ang financial inclusion at mapadali ang paggawa ng negosyo.     Sinabi […]

  • 20% diskuwento sa toll fee para sa seniors

    NAIS  ng isang mambabatas na palawigin pa ang pribelehiyong ibinibigay sa mga senior citizens sa pamamagitan n pagbibigay ng 20% diskuwento sa pagbabayad sa toll fees na sinisinggil sa expressway at skyway.     Sa House Bill 5277, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mabibiyayaan ng 20% na diskuwento ang mga senior citizens […]