DOE, tiniyak na walang problema sa suplay ng langis sa Pinas
- Published on March 9, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Energy sa publiko na mayroong sapat na suplay ng langis ang Pilipinas.
Sa isinagawang pagdinig ng Fuel Crisis Ad Hoc Committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza na ang problema sa krisis sa langis ay bunsod ng tumataas na presyo.
Dahil dito, umapela si Erquiza sa Kongreso na muling pasadahan ang 1998 Downstream Oil Industry Deregulation Act.
“Wala po problema sa supply, ang inventory is more than 40 days… ang problem ho natin ngayon is presyo pero quantity wala ho tayong problema,” ayon sinabi ni Erquiza sa mga mambabatas.
Sa kanyang opening remarks, sinabi ni House Committee on Economic Affairs chair, Rep. Sharon Garin, na ang pagdinig ay sinagawa dahil sa direktang epekto ng fuel crisis sa economic stability sa panahon na nagsisimula pa lamang ang bansa na pagaanin ang Covid-19 pandemic restrictions.
“This assembly is critical because no one is spared from the effects of the continuous price hikes of fuel. The rising prices of domestic petroleum will have a direct effect on our economic stability, just when we are starting to relax our restrictions due to Alert level 1,” ayon kay Garin.
“All industries, especially our transportation sector, will be grossly affected. DOE data have shown that from January to March alone, diesel prices per liter have increased by as much as 12 pesos,” dagdag na pahayag nito.
Nauna nang hiniling ng Malakanyang sa Kongreso na rebisahin ang oil deregulation law sa gitna ng lingguhang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at nagpapatuloy na situwasyon sa Ukraine na inaasahang mayroong economic impact sa Pilipinas.
Ang pagrebisa sa oil deregulation law ay kasama sa medium-term measures na napagkasunduan sa top-level special meeting na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa ilalim ng batas, mas kilala bilang Downstream Industry Deregulation Act, inalis ang kontrol ng pamahalaan para tulungan ang mga oil companies na magiging mas “competitive” sa kanilang suplay at pagpe-presyo ng petroleum products.
Nag-adjourned ang sesyon ng Kongreso noong nakaraang Pebrero 4 at magpapatuloy lamang sa Mayo 23 o matapos ang May 9 national at local elections.
Ang session break ay para sa campaign period para sa mga kandidato.
Ang Kongreso, sa kabilang banda ay maaari namang magpatuloy sa kanilang sesyon kung mismong si Pangulong Duterte ang magpapatawag nito.
Isang linggo na ang nakalipas, kapansin-pansin na walang indikasyon na magpapatawag ng special session si Pangulong Duterte para makakilos ang Kongreso sa batas na tutugon sa walang tigil na oil price hikes,” kabilang na ang suspensyon ng fuel tax sa langis. (Daris Jose)
-
PDu30, inakusahan ang UP ng pagre-recruit ng mga kabataan para isama sa grupong komunista
INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang University of the Philippines (UP) ng pagre-recruit ng mga kabataan para isama sa grupong komunista. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay reaksyon sa panawagan na academic strike ng mga estudyante ng Ateneo de Manila University (ADMU). “‘Yung mga eskwelahan, UP, fine. Maghinto kayo ng aral, […]
-
Marcos, tinanggihan ang panukalang bawasan ang gov’t workforce para maibaba ang paggastos
TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suhestiyon na bawasan ang bilang ng mga manggagawa sa mga ahensiya ng gobyerno para makatipid at makaipon ng pondo habang ang Pilipinas ay patuloy na bumabawi at bumabangon mula sa COVID-19 pandemic. Sa Facebook post, sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ginawa ni Pangulong […]
-
LRT2 may libreng sakay para sa mga kababaihan sa International Womens Day
NAGHATID ng libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) bilang special treats kasabay ng pagdiriwang ng International Womens Day, March 8. Ang libreng sakay ay tuwing peak hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. […]