DoF, maingat sa pag- utang ng gobyerno sa gitna ng pandemiya
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na maingat ang pamahalaan sa ginagawa nitong pag- utang sa mga local at foreign resources.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, masusing pinag-aaralan ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez ang pag- utang ng pamahalaan lalo’t may pinapangalagaang reputasyon ang bansa na may kinalaman sa pag-utang nito.
Ito ayon kay Sec. Roque ay ang magandang BBB+ sa credit rating ng Pilipinas na kapag napanatili ay may magandang benepisyo din namang dulot sa bansa.
Aniya, kapag maganda kasi ang credit rating ay mababa ang interest na nakukuha ng bansa bukod pa sa mas marami ang gustong magpautang.
“Kaya nga po nag-iingat sa pag-uutang ang ating Secretary of Finance Sonny Dominguez kasi importante sa kaniya na manatili iyong napakagandang BBB+ sa credit rating natin kasi habang ganiyan ang credit rating natin, mababa ang interest na nakukuha natin at maraming gustong magpautang sa atin,” ayon kay Sec. Roque.
Magugunitang, noong pre- SONA ay iginiit ni Sec. Dominguez ang kahalagahan ng pag- utang ngayong pandemiya lalo na’t apektado rin ng pandemya ang tax collection habang tumaas din sa kabilang banda ang expenses o gastusin ng pamahalaan. (Daris Jose)
-
‘Paghawak ni Marcos sa Department of Agriculture maituturing na ‘brilliant move’ – Piñol
UMANI nang papuri ang naging hakbang ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hawakan mismo ng personal ang Department of Agriculture (DA) sa kanyang pag-upo sa pwesto. Kabilang sa humanga ay si dating Agriculture Secretary Manny Piñol. Si Piñol na natalo sa nakalipas na halalan sa pagkasenador ay sinabi na maituturing itong […]
-
SYLVIA, napagod at muntik nang sumuko dahil sa mga taong nanakit at nanglait; nawala ang pangamba dahil sa ‘Diyos’
PINOST ni Sylvia Sanchez sa kanyang FB page ang red carpet event na magagangap ngayong hapon na hatid ng Star Magic. Post niya, “It’s a red carpet day with your favorite Kapamilya stars this Friday at 3 PM. “Witness this new notch on their careers as Arjo Atayde, Maymay Entrata, Edward […]
-
Ads May 2, 2022