• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: ‘2021 pa posibleng isailalim sa MGCQ ang buong Pilipinas’

AMINADO ang Department of Health (DOH) na hindi malabong ibaba na sa antas ng modified general community quarantine (MGCQ) ang buong Pilipinas sa unang quarter ng 2021 kung matagumpay na maaabot ng local government units ang mga itinakdang batayan ng mga eksperto.

 

Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, may itinakda silang “gatekeeping indicators” na dapat matugunan ng mga lokal na pamahalaan para maabot nila ang pinaka-maluwag na antas ng community quarantine.

 

“Mayroon tayong gatekeeping indicators and we already have set targets and milestones.”

 

Kabilang sa mga ito ang epektibong surveillance system, contact tracing, pagsunod ng publiko sa minimum health standards at enforcement ng LGUs.

 

“Ang sabi namin, if only local government units will be able to achieve these gatekeeping indicators by the end of December, we have set that targeted milestone by the end of first quarter of next year, all LGUs hopefully will be at MGCQ stage.”

 

Hindi naman isinasantabi ni Vergeire ang mga naitatala pa ring kaso ng COVID-19 ngayon, pero kung magagawa raw abutin ng mga lokalidad ang indicators ay siguradong kaya na rin ng mga ito na pigilan ang pagkalat ng coronavirus sa kanilang lugar.

 

Sa huling tala ng DOH, umaabot na sa 387,161 ang total ng COVID- 19 cases sa Pilipinas.

Other News
  • Biden personal na binisita ang mga nasalanta ng bagyong Milton; $600-M tulong tiniyak

    Personal na binisita ni US President Joe Biden ang mga nasalanta ng hurricane Milton sa Florida.     Sinabi nito na labis silang nagpapasalamat dahil sa hindi gaano naging matindi ang pinsalang dulot ng bagyo gaya ng inaasahan.     Nangako ito na magbibigay ng $600-milyon na tuloy para sa mga naapektuhan ng bagyo.   […]

  • Durian business deal na naisara sa pagtungo ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr sa China, umaarangkada na. Tone- toneladang durian, sinimulan ng i-export

    NAGSIMULA nang i-export ng Pilipinas ang tone – toneladang durian sa China na pawang mula sa Mindanao.   Tinatayang 28-toneladang durian cargo o nasa 28 libong kilo ng durian ang dinala na sa China at inilipad via Davao International Airport matapos na pumasa sa General Administration Customs of China.   Kamakalawa, Sabado de Gloria ay […]

  • Ads January 26, 2021