DOH, asang tatapusin na COVID-19 public health emergency sa 2023
- Published on December 21, 2022
- by @peoplesbalita
UMAASA si Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na magwawakas na ang COVID-19 public health emergency sa bansa sa 2023 kagaya ng pahayag ng World Health Organization (WHO) sa pandaigdigang sitwasyon.
“We are very hopeful on this, and hopefully by next year we can already see na mali-lift na itong public health emergency na ‘to,” saad ni Vergeire.
Ayon sa WHO, hindi na magiging ‘global health emergency’ ang COVID-19 sa isang punto ng 2023. Hinikayat din nito ang China na magbigay ng dagdag na impormasyon ukol sa aktuwal na pinagmulan ng pandemya.
“Very hopeful tayo dahil nagbigay naman ang WHO ng ganitong deklarasyon. Pero kailangan maintindihan din ng ating mga kababayan na we still need to be very cautious dahil ang sabi nga ng WHO, titignan natin na makita pa rin natin talaga na patuloy na bumababa ang mga kaso ng mga kritikal at saka mga namamatay sa COVID-19,” pahayag pa ni Vergeire.
Matatandaan na idineklara ang ‘public health emergency’ sa pamamagitan ng Proclamation 922 noong Marso 2020 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Pinalawig naman ito ni Pangulong Bongbong Marcos hanggang Disyembre 31, 2022.
Iginiit ni Vergeire na isa pa rin sa pangunahing paraan para makaalpas sa ‘state of emergency’ ang pagpapabakuna ng publiko, maging sa ikalawang booster.
Sa kasalukuyan, nasa 603,905 healthcare workers ang nababakunahan ng second booster habang nasa 592,202 pa ang hindi nagpapabakuna nito.
Inamin ni Vergeire na isang malaking hamon ang paghikayat sa taumbayan na magpaturok ng second booster lalo’t maging mga healthcare workers ay hindi nagpapabakuna nito.
-
DINGDONG, ARJO, ELIJAH, ALDEN, LOVI at CRISTINE, ilan lang sa pararangalan sa 5th ‘Film Ambassadors’ Night’ ng FDCP
IBINAHAGI ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 60 na honorees at special awardees ng ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ngayong taon pati na rin ang performers para sa online event na isasagawa sa Pebrero 28. Ang FAN, na taunang kaganapang isinasagawa ng FDCP simula noong 2017, ay kumikilala sa Filipino […]
-
PRESUMED VALID NGA BA?
PAG MALINAW ang paglabag nito sa batas dapat pa bang ipatupad ang isang ordinansa ng LGU? Ito ang tanong ng maraming motorista sa Manila LGU sa patuloy na pag confiscate ng driver’s license ng kanilang mga enforcers ayon sa ordinance 8092. Sabi ng abogado ng Manila LGU – PRESUMED VALID unless […]
-
Maraming saksi sa mga palaro malabo
MAY kalabuan pang maganap ngayong taon ang pagpapasok ng malaking bilang ng mga manonood sa bawat sports events saan mang panig ng mundo dahil sa patuloy na mataas ng mga nahahawa sa COVID-19 at wala pang gamot sa pandemya. Pananaw ito ni World Health Organization (WHO) emergencies director at Irish epidemiologist Michael Ryan sa […]