DOH: COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat na sa halos 330,000
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
NASA halos 330,000 na ang tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH).
Ngayong araw nag-ulat ang ahesya ng 2,825 na mga dagdag na kaso ng sakit. Kaya naman ang total ay umakyat pa sa 329,637. Nasa 12 laboratoryo ang bigo umanong makapag- submit ng report sa kanilang COVID-19 Data Repository System.
“Of the 2,825 reported cases today, 2,233 (79%) occurred within the recent 14 days (Sep- tember 24 – October 7, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (746 or 33%), Region 4A (627 or 28%) and Region 3 (211 or 9%).”
Mayroon ding mga nag- positibo noon pang Marso hanggang Agosto na kahapon lang nai-report ng mga laboratoryo.
Samantala, ang mga active cases ay nasa 49,989. Ang total recoveries ay nasa 273,723 na dahil sa additional 437. Habang ang total death count ay nasa 5,925 naman dahil sa 60 na nadagdag sa mga binawian ng buhay.
“Of the 60 deaths, 26 occurred in October (43%), 20 in Septem- ber (33%) 6 in August (10%) and 8 in July (13%). Deaths were from NCR (23 or 38%), Region 4A (12 or 20%), Region 6 (8 or 13%), Region 3 (6 or 10%), Region 11 (3 or 5%), Region 2 (2 or 3%), Region 10 (2 or 3%), CARAGA (2 or 3%), and Region 5 (1 or 2%).”
Nagtanggal muli ang DOH ng duplicate cases sa total cases na umabot ngayon sa 21. Ang 13 sa mga ito ay mula sa recovered cases.
May 14 pang recovered cases ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na lahat sila ay patay na. (Daris Jose)
-
Death toll sa hagupit ng bagyong Enteng sa PH, sumampa na sa 13 – OCD
SUMAMPA na sa 13 katao ang napaulat na nasawi dahil sa hagupit ng bagyong Enteng. Ayon kay Office of the Civil Defense spokesperson Edgar Posadas, kasalukuyang biniberipika pa ang mga napaulat na nasawi kung saan 8 dito ay mula sa lalawigan ng Rizal partikular sa Antipolo city kasunod ng mga insidente ng […]
-
Ex-VP Noli de Castro, umatras na sa senatorial race
Babalik na lamang sa broadcast industry ang beteranong mamamahayag at dating vice president na si Noli de Castro. Ito ang nilalaman ng statement ni De Castro (Manuel Leuterio de Castro, Jr.) na ipinaabot niya sa kampo ni Manila Mayor Isko Moreno. Magugunitang naghain si Kabayan ng certificate of candidacy (CoC) noong […]
-
SolGen, hinihintay ang “go signal” ni PBBM para isumite ang draft EO ukol sa independent body na magiimbestiga sa drug war
NAGHIHINTAY lamang ng “proper signal” ang tanggapan ni Solicitor General Menardo Guevarra mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago isumite ang panukalang paglikha ng independent body na mag-iimbestiga sa pagpatay na inuugnay sa drug campaign ng Duterte administration. Sinabi ni Guevarra sa isang panayam na ang Office of the Solicitor General (OSG) ay lumikha ng isang […]