• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat na sa halos 330,000

NASA halos 330,000 na ang tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH).

 

Ngayong araw nag-ulat ang ahesya ng 2,825 na mga dagdag na kaso ng sakit. Kaya naman ang total ay umakyat pa sa 329,637. Nasa 12 laboratoryo ang bigo umanong makapag- submit ng report sa kanilang COVID-19 Data Repository System.

 

“Of the 2,825 reported cases today, 2,233 (79%) occurred within the recent 14 days (Sep- tember 24 – October 7, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (746 or 33%), Region 4A (627 or 28%) and Region 3 (211 or 9%).”

 

Mayroon ding mga nag- positibo noon pang Marso hanggang Agosto na kahapon lang nai-report ng mga laboratoryo.

 

Samantala, ang mga active cases ay nasa 49,989. Ang total recoveries ay nasa 273,723 na dahil sa additional 437. Habang ang total death count ay nasa 5,925 naman dahil sa 60 na nadagdag sa mga binawian ng buhay.

 

“Of the 60 deaths, 26 occurred in October (43%), 20 in Septem- ber (33%) 6 in August (10%) and 8 in July (13%). Deaths were from NCR (23 or 38%), Region 4A (12 or 20%), Region 6 (8 or 13%), Region 3 (6 or 10%), Region 11 (3 or 5%), Region 2 (2 or 3%), Region 10 (2 or 3%), CARAGA (2 or 3%), and Region 5 (1 or 2%).”

 

Nagtanggal muli ang DOH ng duplicate cases sa total cases na umabot ngayon sa 21. Ang 13 sa mga ito ay mula sa recovered cases.

 

May 14 pang recovered cases ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na lahat sila ay patay na. (Daris Jose)

Other News
  • Mga bansa sa buong mundo nagpataw ng global sanction sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine

    NAGPAPATAW ngayon ng bagong mga parusa ang iba’t-ibang bansa sa buong mundo laban sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine.     Ang European Union, Japan, Australia, New Zealand, at Taiwan ay pare-parehong pinatawan ng bagong injunction ang Moscow, Russia bilang pagkondena sa naging paglusob ng militar nito.     Sinabi ni European Commission […]

  • Kobe Paras lalaro sa Gilas

    HANDA na umanong sumabak sa hard court si UP Fighting Maroons star Kobe Paras matapos nitong ipakita ang kanyang mga sneaker na gagamitin para sa laro.   Pinaparamdam umano ni Paras sa fans na “bubble ready” na ito matapos umugong ang balitang magiging bahagi ang 23- year-old basketball star ng Gilas Pilipinas pool na papasok […]

  • AFP kinalma ang publiko kaugnay sa terror plot ng Hamas sa Pilipinas

    GUMAGALAW na rin sa ngayon ang intelligence community ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa napaulat na terror attack ng kilalang international terrorist group na Hamas sa Pilipinas.     Nakikipag-ugnayan na rin ang AFP sa PNP kaugnay sa nasabing intel report.     Ibinunyag kasi ng PNP kamakailan na may isang Fares […]